Driver nanaksak dahil sa selos at pambu-bully: 'Maliit daw ang ano ko'

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Driver nanaksak dahil sa selos at pambu-bully: 'Maliit daw ang ano ko'

Hernel Tocmo,

ABS-CBN News

Clipboard

DAVAO CITY — Halos mabalot ng dugo ang uniporme ng 33 taong gulang na lalaking security guard matapos saksakin ng dalawang beses sa likod ng isang tricycle driver sa Toril, Davao City Martes ng umaga.

Bigla na lang daw dumating sa pinagtatrabahuhang malaking tindahan ang suspek na si alyas "Eddie," 37, at pinagsasaksak si alyas "Christopher," 33.

Dinala sa Southern Philippines Medical Center ang biktima. 

Selos ang motibo sa krimen, ayon sa Davao City Police Office.

ADVERTISEMENT

Aminado ang suspek na nagawa nito ang krimen dahil galit na galit na umano siya sa biktima at asawa nitong isa ring gwardya.

Magkarelasyon umano ang dalawa at nahuli na niya sa cellphone at aktwal na magkasama.

Nagalit din umano ang suspek nang pinagtawanan siya ng biktima.

"Oo, kay giingnan man ko niya og gamay ko og kuan (Planado ang nangyari dahil sinabihan niya rin ako na maliit ang ano ko)," ayon sa suspek sa panayam sa kanya.

Batay naman sa salaysay ng asawa ng suspek sa pulisya, sinabi nitong napakaseloso ng kanyang mister.

Binubugbog din umano ng suspek ang kanyang misis sa 16 taon nilang pagsasama. 

Frustrated murder ang maaaring kahaharaping kaso ng suspek.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.