Magkaklase nalunod sa Ungga Falls sa Rizal
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magkaklase nalunod sa Ungga Falls sa Rizal
Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nalunod ang 18-anyos na si John Mike Pacion at kaklase niyang 17-anyos sa Ungga Falls sa Sitio Ungga, Barangay San Salvador, Baras, Rizal, nitong Lunes, January 20, 2025.

Ayon kay Police Major Robert Papa, hepe ng Baras Municipal Police Station, lumabas sa kanilang imbestigasyon na nagkayayaan ang apat na lalaki na mag-swimming sa Ungga Falls matapos na makuha ang kanilang mga medical certificate na bahagi ng kanilang school requirement.

"Ang ating po mga naging biktima ay dalawang estudyante. May kasama pa po silang dalawa, nag-swimming po sila rito sa Ungga Falls. Itong apat po na magkakaibigan na ito pagkatapos nilang kumuha ng medical certificate para sa kanilang immersion program as part po ng kanilang school requirement po, nagkayayaan po silang mag-swimming po rito sa Ungga Falls. Kung saan ‘yung isang classmate nila ay dito lang nakatira sa Sitio Paopawan, more or less nasa two kilometers itong Sitio Paopawan sa Ungga Falls," sabi ni PMaj Papa.

Sabi pa ng PNP, unang tumalon ang 17-anyos at sinaklolohan ni Pacion nang makitang hirap nang lumangoy ang kaklase dahil napunta sa malalim na bahagi ng talon.

Maya-maya pa, napunta sa medyo malalim na bahagi ang dalawa habang humingi ng tulong ang dalawa pa nilang kasama.

"Hindi na po sila nasaklolohan nung dalawa pa. Ito pong dalawa ang ginawa nila ay humingi po ng saklolo. Sa kasamaang palad itong apat na magkakaklase ay hindi naman po pala ganon na marunong lumangoy," ayon kay PMaj Papa.

Nang dumating ang mga rescuer, agad nilang hinanap ang dalawang lalaki at sinubukan pang dalhin sa ospital, pero dead on arrival na ang dalawang biktima.

"Nangyari po ‘yung insidente mga ala-una po ng hapon, na-retrieve po sila bandang hapon na rin po alas kwatro bente doon po sa bandang malalim po na portion ng falls po," dagdag ni PMaj Papa.

Kwento ni Pedro Pacion, ama ni John Mike, ga-graduate na sana sa senior high school ang anak na pangarap maging pulis.

"Nalulunod ‘yung isang bata, tapos tinalunan niya, kaya nadamay siya dun. Hindi siya mahilig sa mga ganung activity kasi mula nung maliit siya takot siya sa mga ganun na lugar. Pag nag-swimming, sa gilid lang 'yan naliligo. Siguro may mga kasama. Nagkayayaan. Sige, sumama na. Mas maganda sana kung nailigtas niya ang sarili niya tsaka ‘yung kasama niya," sabi ni Pacion.

Nakaburol sa isang punenarya sa Antipolo, Rizal ang labi ni John Mike.

Hindi na nagpaunlak ng panayam ang pamilya ng isa pang nasawi.