Langis mula sa nasusunog na warehouse nagdulot ng oil spill sa ilog sa San Pedro

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Langis mula sa nasusunog na warehouse nagdulot ng oil spill sa ilog sa San Pedro

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

Pag-inspeksyon sa San Isidro River sa San Pedro City matapos kumalat ang langis na nakaimbak sa isang nasusunog sa warehouse. Retrato mula sa San Pedro CDRRMOPag-inspeksyon sa San Isidro River sa San Pedro City matapos kumalat ang langis na nakaimbak sa isang nasusunog sa warehouse. Retrato mula sa San Pedro CDRRMO

SAN PEDRO CITY, Laguna --  Kumalat na ang langis  na nakaimbak sa isa sa 13 warehouse na nasusunog sa Brgy. San Antonio, San Pedro City, Laguna na nagbabanta ngayon sa Laguna Lake.

Ang oil spill mula sa warehouse ay dumiretso na San Isidro River na isa sa mga malalaking ilog sa San Pedro City.   

Sa inspeksyon ng San Pedro Bantay Lawa, makikita ang nangingintab at makapal na langis sa San Isidro River na sumasakop sa ilang barangay.

Idinadaing na ng mga residente na malapit sa ilog ang  masangsang na amoy na nagdudulot ng pananakit ng kanilang tiyan.

ADVERTISEMENT

“Basta mabaho po masakit sa sikmura , saka kasarapan ng tulog mo hindi makatulog dahil nga umaalingsaw  yung amoy, kahit anong takip mo umaalingasaw talaga” sabi ni Catalina Pastor, residente ng Brgy. Sto. Niño. 

“Gigisingin na lang na masakit ang tiyan nyo, masakit ang ulo, kahit ano takip ng bintana maaamoy nyo talaga. Iba ho ang amoy lalo kapag gabi umiikot sa sikmura,” sabi ni Brgy. Kagawad Kirby Lizarda ng Brgy. Cuyab. 

May mga ibon din gaya ng kalapati ang namataan  na balot na balot ng langis at hindi na makalipad. Sabi ng mga residente, sinubukan ng mga kalapati na uminom sa ilog pero  langis ang kanilang nahigop.

Naglagay na ng mga  improvised oil spill barriers ang San Pedro Bantay Lawa para mapigilan na umabot ang langis sa Laguna Lake. 

“Hindi pa namin ito nasusukat pero ito ay nakarating na sa lower barangays namin dito sa San Pedro. Possible itong magtuloy-tuloy sa Laguna Lake na pangunahin naman pinagkukunan ng kabuhayan ng ating mga mangingisda, pangalawa health hazard din kasi medyo may amoy itong langis na ito,“ sabi ni Nico Pavino , head ng San Pedro City Disaster Risk Reduction and Management Office. 

ADVERTISEMENT

Sinabi ni FCINSP. Fernando Castillo, city fire marshall ng BFP San Pedro, na motoroil ang lamang ng nasa higit 200 drum mula sa isa sa mga nasusunog na warehouse.

Katabi lamang ng warehouse ang San Isidro River kung saan umagos ang langis. 

“Nakadeploy na po ang mga teams natin kasama po ang local government, kasama natin ang Philippine Coast Guard ,nagreport na rin po kami sa LLDA at nakamobilize na rin ang Bantay Lawa ng San Pedro para  mapgilan pagpunta sa Laguna Lake,” sabi ni Pavino.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.