Lalaki nahulihan ng mahigit P2-M hinihinalang shabu sa Antipolo
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki nahulihan ng mahigit P2-M hinihinalang shabu sa Antipolo
Christopher Sitson,
ABS-CBN News
Published May 29, 2025 09:09 AM PHT
|
Updated May 29, 2025 10:42 AM PHT

MAYNILA — Arestado ang 43-anyos na lalaki na itinuturing na high value individual sa buy-bust operation ng Philippine National Police (PNP) sa Barangay San Roque, Antipolo City, Rizal, madaling araw ng Miyerkoles, May 28, 2025.
Nahuli ang lalaki matapos niyang bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang operatiba na nagpanggap bilang poseur buyer kapalit ng P3,000, sa operasyon ng Antipolo Police katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sa imbestigasyon ng pulisya, galing sa Metro Manila ang supply ng ilegal na droga na ibinebenta ng suspek sa Antipolo City at mga karatig-bayan nito.
Napag-alaman ng PNP na nakulong na ang lalaki noong 2019 at 2022 pero nakalaya matapos isailalim sa probation.
“‘Yung kanyang amo ay arrested and from there nagkaroon ng follow-up operation. Umabot po ng more or less two weeks since the arrest of his immediate handler bago natin natunton itong isa pang high value individual,” sabi ni Police Colonel Felipe Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office.
Nakumpiska sa suspek ang limang pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na mahigit tatlong daang gramo at tinatayang nagkakahalaga ng mahigit dalawang milyong piso.
Dadalhin sa Rizal Provincial Crime Laboratory Office ang mga narekober na kontrabando para sa pagsusuri.
Ayon sa suspek, kumakain lang umano siya nang maaresto.
“Kumakain lang po kami sa lugar nung nakasabay ko. Sa korte na lang po ako magpapaliwanag,” sabi ng suspek.
Hawak na siya ng Antipolo Police at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

RELATED VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT