1 patay, 4 sugatan sa pag-araro ng pick-up sa waiting shed
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
1 patay, 4 sugatan sa pag-araro ng pick-up sa waiting shed
Ronilo Dagos
Published Jun 12, 2025 10:25 AM PHT

Larawan mula sa QPPO

MACALELON, Quezon — Isa ang patay at apat ang sugatan matapos araruhin ng isang pick-up vehicle ang waiting shed sa Bondoc Peninsula highway sa Brgy. Mabini Ilaya sa bayan na ito noong Miyerkules ng tanghali.

Ayon sa Macalelon police, ang nasawing biktima ay isang 54-anyos na tindera at residente ng Bgy. Lawigue, Tayabas City.

Isinugod naman ang mga sugatang biktima sa Gumaca Hospital para lapatan ng paunang lunas. Ginagamot din ang driver na nagtamo ng mga sugat sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol sa manibela ang 50-anyos na driver habang binabaybay ang kurbadang bahagi ng kalsada patungong Lucena City.

Nahulog pa ang pick-up sa malalim na bahagi ng gilid ng highway.

Agad rumesponde ang mga awtoridad sa pinangyarihan ng aksidente at kasalukuyan pang iniimbestigahan ito.

KAUGNAY NA VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT