Umano'y snatcher na kumaladkad, nanipa ng 67-anyos arestado

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Umano'y snatcher na kumaladkad, nanipa ng 67-anyos arestado

ABS-CBN News,

Gracie Rutao

Clipboard

Matapos ang habulan, nasukol ng mga tauhan ng Special Drug Enforcement Unit ng Porac Police ang target ng kanilang buy-bust operation sa masukal na bahagi ng Barangay Pio, Porac, Pampanga.

Kinilala ang suspek sa alyas “Rambo,” at nahuli dakong alas-5 ng hapon nitong Martes.

Nasamsam sa operasyon ang 2.3 gramo ng hinihinalang shabu, isang submachine gun, at marked money.

“Itong suspek po natin na ito ay napag-alamam namin throug background investigation na ito ho pala ay suspek sa nag-viral na video na nag-snatch ng bag ng senior citizen sa San Fernando, Pampanga,” ani PLt. Col. Samuel Quibete, hepe ng Porac police.

ADVERTISEMENT

Sa kuha ng CCTV noong Mayo 24, makikitang sinundan ng suspek ang 67-anyos na lola habang naglalakad. Bigla niyang hinablot ang bag nito, at nang hindi bumitaw ang biktima, kinaladkad pa niya ito at pinagtatadyakan sa kalsada.

“Pine-prepare na natin yung mga documents natin for inquest po today," dagdag ni Quibete.

Inanyayahan ng mga pulis ang biktima sa istasyon, kung saan positibong kinilala nito ang suspek.

Hindi rin itinanggi ni alyas “Rambo” ang krimen. Sa halip, sinabi niyang nagawa ito dahil sa matinding pangangailangan.

“Humihingi po ako ng tawad sa kanya, nagsisisi na rin po ako kasi dala lang po na naka-hospital ang bunso ko kaya nagawa ko po yun," paliwanag nito.

Ayon sa Porac police, nahuli na rin ang suspek noong 2024 dahil sa kasong ilegal na sugal.

Disidido namang magsampa ng kaso ang biktima ng robbery at serious physical injuries laban sa suspek.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.