Lalaki patay sa banggaan sa araw ng libing ng asawa sa Cotabato
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki patay sa banggaan sa araw ng libing ng asawa sa Cotabato
ABS-CBN News,
Al Saludo
Published Jun 03, 2025 02:30 PM PHT

Patay sa banggaan ang isang 45-anyos na lalaki sa Matalam, Cotabato sa mismong araw ng libing ng kaniyang asawa noong Sabado.

Sumalpok ang minamanehong SUV ni Junnel sa isang 10-wheeler wing van na nakaparada sa gilid ng highway sa Purok 3, Kilada sa Matalam nitong Sabado ng umaga.

Kasama ng lalaki ang kaniyang 17 anyos na anak — na nagtamo ng bali sa paa —nang mangyari ang road crash.

"Dead on arrival" ang lalaki habang ginagamot sa isang ospital ang kaniyang anak, ayon sa pulisya.
"Dead on arrival" ang lalaki habang ginagamot sa isang ospital ang kaniyang anak, ayon sa pulisya.
ADVERTISEMENT
Bumili lang ng yelo ang mag-ama at posibleng puyat sila at nakatulog, sabi ni PSSg. Joselito Palmera, duty investigator ng Matalam police.

Gagamitin sana ang yelo pampalamig sa inumin para sa libing ng asawa ng lalaki, ani Palmera.

Namatay ang lalaki ilang oras bago inilibing ang kaniyang asawa nitong Sabado ng umaga.

Magkakaroon ng settlement ang pamilya ng namatay at may-ari ng wing van.