Today, 18 November 2016 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Today, 18 November 2016
ABS-CBN News
Published Nov 19, 2016 02:27 AM PHT

Mas accessible na footbridge, itatayo kapalit ng ‘Mt. Kamuning': DoTr
MAYNILA — Papalitan ng Department of Transportation (DoTr) ang matarik at nakalululang footbridge na tinaguriang “Mt. Kamuning” sa EDSA ng mas mababa at accessible na disenyo para sa mga commuter.

Batay sa inisyal na plano ng DOTr, lalagyan na rin ito ng elevator na mapapakinabangan ng mga senior citizen, persons with disability o PWD, at mga buntis.

Dagdag pa ng ahensya, gigibain lamang ang kasalukuyang istruktura kapag natapos na ang konstruksyon ng bagong disenyo.

Kasunod ito ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na alisin na ang lakaran.
Kasunod ito ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na alisin na ang lakaran.
ADVERTISEMENT
Binatikos at ginawa pang katatawanan ng ilan ang NIA South Road-Scout Borromeo St. footbridge na itinayo noong 2018 ng Metropolitan Manila Development Authority para maiwasan ang jaywalking at aksidente sa lugar.

Depensa nila, kinailangang taasan ang tulay na binansagan pang “Stairway to Heaven” para hindi tumama sa power lines ng MRT-3.

– Ulat ni Harlene Delgado, Patrol ng Pilipino
Video produced with Claire Tolentino
Read More:
Patrol ng Pilipino
ABSNews
Department of Transportation
Kamuning
Mt Kamuning
Footbridge
EDSA Busway
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT