News Releases

English | Tagalog

Mga tanyag na Asian dramas tampok sa Asianovela Channel ng TVplus

October 10, 2018 AT 05:01 PM

More popular Asian titles land on TVplus' Asianovela Channel

Asianovela Channel is bringing the Asian drama experience on a new level for TVplus users as it launches eight uncut popular shows from South Korea, China, and Taiwan this October.

Uncut shows mula sa South Korea, China, at Taiwan ngayong Oktubre

Isang napakagandang Asian drama experience ang matutunghayan ng TVplususers ngayong Oktubre dahil handog ng Asianovela Channel ang eight uncutpopular shows mula sa South Korea, China, at Taiwan.

Nangunguna sa mga palabas sa Asianovela Channel ang “A Love So Beautiful” mula China na pinagbibidahan ni Shen Yue, ang aktres na gumaganap bilang Shancai sa 2018 “Meteor Garden” remake. Sa seryeng ito, isang high school student si Shen Yue na may crush sa kanyang popular, pero isnaberong classmate.

Mapupuno rin ng kilig ang bawat panonood sa Asianovela Channel dahil sa “I am not a Robot” mula sa South Korea na sinusundan ang kwento ng isang babaeng masasangkot sa isang love triangle matapos nitong magpanggap bilang isang robot na kamukha niya.

Samantala, isang matinding drama ang mamumuo sa Taiwanese serye na “My Dearest Intruder” kung saan dalawang mag-best friends ang iibig sa iisang lalake.

Ang ibang K-Drama shows na tiyak na magpapasaya sa TVplus users ay ang melodrama na “High Society,” ang fantasy-thriller na “W,” ang period romance na “Hwarang,” ang Vampire medical drama na “Blood,” at ang family drama na “Mask.”

Para mapanood ang mga palabas sa Asianovela Channel, kailangan lang pindutin ang scan button ng TVplus remote at i-browse ang TV list para mahanap angchannel assignment nito.

Mula noong 2015, nabago ng ABS-CBN TVplus ang panonood ng telebisyon ng mga Pilipino dahil sa hatid nitong malinaw na panonood ng telebisyon na walang monthly at installation fee. Isa rin ang ABS-CBN TVplus sa digital properties ng ABS-CBN na ngayon ay nagtra-transition na maging digital company.

Kabilang sa ABS-CBN TVplus coverage areas ang Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, Cavite, Metro Cebu, Cagayan de Oro, Iloilo, Bacolod, at Davao. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta lamang sa tvplus.abs-cbn.com o i-follow ang ABS-CBNTVplus sa Facebook.