News Releases

English | Tagalog

Kilabutan sa "Ghost Bride," handog ng KBO

April 12, 2018 AT 03:31 PM

Mapapanod sa unang pagkakataon sa KBO, na bukas na sa lahat ng networks, ang Star Cinema blockbuster na “The Ghost Bride” na pinagbibidahan ng Kapamilya star na si Kim Chiu, ngayong Abril 14 hanggang 15. 

Subaybayan ang kuwento ni Mayen (Kim Chiu), isang babaeng desperadong maiangat ang kaniyang pamilya mula sa kahirapan kung kaya’t naging isang ‘ghost bride’—ang pagpapakasal sa isang patay. Isa-isang mapapahamak ang kanyang mga mahal sa buhay nang maging seloso ang ispiritong kanyang pinakasalan.

Ang pelikulang ito ang muling pagtatambal ni Chiu at ni Matteo Guidicelli.

Panoorin ito ngayong weekend, Abril 14 hanggang 15, sa KBO, kasama ang “AWOL,” “She’s Dating the Gangster,” “Everything About Her,” at “Walang Forever.”

Mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT, or ABS-CBNmobile SIM) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 APR7 <TVplus box ID> sa 2366.
 

PHOTOS

AWOL at Ghost Bride sa KBO ngayong weekend

AWOL ni Gerald Anderson at Ghost Bride ni Kim Chiu nasa KBO ngayong weekend.

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE