News Releases

English | Tagalog

“Unexpectedly Yours,” dobleng pag-ibig ang handog sa Cinema One

June 01, 2018 AT 06:07 PM

“Unexpectedly Yours” brings twofold romance on Cinema One

The blockbuster romantic-comedy flick “Unexpectedly Yours,” last year’s much-awaited reunion of the Megastar Sharon Cuneta and Robin Padilla, is set to bring love and excitement on television screens as it premieres on Cinema One this Sunday (June 3).

Pagbabalik-tambalan nina Sharon-Robin, mapapanood na ngayong Linggo

 Magdadala ng pag-ibig at katatawanan ang matagumpay na pagbabalik-tambalan ng Megastar na si Sharon Cuneta at Robin Padilla sa pelikulang “Unexpectedly Yours” na ipapalabas na sa Cinema One ngayong Linggo (Hunyo 3).

Ang nasabing pelikula ay siya namang ikatlong pagsasama ng isa sa pinakasikat na loveteams ngayon, ang JoshLia na kinabibilangan nina Joshua Garcia at Julia Barretto. Nauna nang nagsama ang dalawa sa kilig movies na “Vince and Kath and James” at “Love You To The Stars and Back.”

Sa darating na Blockbuster Sunday, bibida sa kwento ang dating high school sweethearts na sina Patty (Sharon) at Cocoy (Robin) na muling nagtagpo pagkatapos ng 30 taon hindi lang bilang organizers ng kanilang high school reunion kungdi bilang bagong magkapitbahay.

Isang marketing executive si Patty na nagdadaan sa midlife crisis pagkatapos niyang mahiwalay sa asawa. Kasalukuyan siyang sumusubok makalimot kasama ang kanyang anak na si Yanni (Julia). Mayayanig naman ang mundo ng mag-ina sa pagpasok sa buhay nila ni Cocoy at ng pamangkin nitong si Jason (Joshua). Tatanggapin kaya nila ang hindi inaasahang pagpasok ng pag-ibig?

Ang magandang kwentong ito tungkol sa pagbibigay ng pagkakataon sa bagong pag-ibig ay mula sa blockbuster director na si Cathy Garcia-Molina.

Ginawaran ito ng Grade A ng Cinema Evaluation Board at nagbigay ng bonggang sorpresa sa pagiging isa sa top ten highest grossing films sa taong 2017.

Abangan ang “Unexpectedly Yours” ngayong Linggo (Hunyo 3), 8pm sa Blockbuster Sunday ng Cinema One. Mapapanood ang nangungunang cable channel sa bansa sa Skycable Channel 56, Destiny Cable Analog 37 at Digital 56. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE