News Releases

English | Tagalog

“It’s Showtime,” “Magandang Buhay,” at “ASAP,” may catch-up airing na sa Jeepney TV simula Hunyo 11

June 07, 2018 AT 04:59 PM

“It’s Showtime,” “ASAP,” and “Magandang Buhay” catch-up on Jeepney TV starting June 11

Kapamilyas get another chance to enjoy top-rating daytime shows “It’s Showtime,” “Magandang Buhay,” and “ASAP” on prime slots as Jeepney TV airs same-day telecasts of these ABS-CBN programs starting this month.

Mapapanood na ng mga Kapamilya ang top-rating daytime shows na “It’s Showtime,” “Magandang Buhay,” at “ASAP” sa Jeepney TV sa parehong araw na ipinalabas ang episodes nito sa ABS-CBN simula ngayong Hunyo.

Higit na sasaya ang primetime sa naturang cable channel dahil ipapalabas nito ang mga sariwang episode ng hit noontime program na “It’s Showtime” simula Lunes hanggang Sabado ng gabi. Wala nang dahilan upang ma-miss ang sikat na segments nito, tulad ng “Miss Q & A,” “TALENTOlympics,” at “FUNanghalian,” at mapasaya ng mga hosts nito tulad nina Vhong Navarro, Anne Curtis, Billy Crawford, Amy Perez, at Vice Ganda.

Samantala, may pagkakataon naman ang mga momshie na mapanood ang morning talk show na “Magandang Buhay” kasama sina Jolina Magdangal, Karla Estrada, at Melai Cantiveros sa Jeepney TV tuwing hapon.

Ipapalabas din sa Jeepney TV ang longest-running at multi-awarded na musical variety show na “ASAP” tampok ang bonggang performances ng OPM hitmakers at sikat na Kapamilya stars tuwing Linggo ng gabi.

Bukod pa sa mga kapana-panabik na mga programang nabanggit, patuloy namang magbibigay ng trending topics at celebrity interviews ang pinakabagong entertainment-oriented talk show na “Showbiz Pa More,” kung saan makikipagkwentuhan si DJ Jhaiho kina Nadia Montenegro at Arlene Muhlach sa darating na Linggo (Hunyo 10), kay Anthony Taberna sa Father’s Day episode nito sa Hunyo 17, at kay Maymay Entrata sa Hunyo 24.

Simula Hunyo 11 (Lunes), huwag palampasin ang “Magandang Buhay: Momshies Sa Hapon” sa Jeepney TV, 4:15 PM Lunes hanggang Biyernes, at ang “It’s Showtime Sa Primetime,” 8:15 PM tuwing Lunes hanggang Sabado. Bibida naman ang “ASAP: Encore” sa Linggo ng gabi, 8 PM simula Hunyo 17. Magpapatuloy ang bonggang chikahan sa “Showbiz Pa More” tuwing Linggo, 4 PM.

Mapapanood ang Jeepney TV sa SKYcable channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.