News Releases

English | Tagalog

Mga bituin ng volleyball, nakisaya sa S+A Volleyball Grand Fans Day

April 26, 2019 AT 05:54 PM

Top volleyball stars light up S+A Volleyball Grand Fans Day

Volleyball superstars gave their fans more than they asked for as they signed autographs, took selfies, and played games with them in yesterday’s (April 25) S+A Volleyball Grand Fans Day at the TriNoma Activity Center.

2019 PVL Reinforced Conference, mapapanood na sa ABS-CBN S+A sa Mayo 26

Binigyan ng oras at importansya ng mga pinakamalaking pangalan sa women’s volleyball sa Pilipinas sa pangunguna nina Alyssa Valdez, Michele Gumabao, Myla Pablo, Stephanie Mercardo, at Jovelyn Gonzaga ang kanilang mga taga-suporta sa ginanap na S+A Volleyball Grand Fans Day kahapon (Abril 25) sa TriNoma Activity Center.
 
Nakipagbatian, pumirma ng autograph, nagpakuha ng litrato, at nakipaglaro sa fans ang mga manlalaro mula sa Creamline Cool Smashers, PetroGazz Angels, BaliPure Purest Water Defenders, BanKo Perlas Spikers, Motolite, at Pacifictown Army Lady Troopers na malapit nang sumabak sa 2019 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference na magsisimula na sa ABS-CBN S+A, LIGA, at iWant Sports sa Mayo 26.
 
Daan-daang fans ang nag-rehistro sa ktx.abs-cbn.com para sa meet and greet, samantalang ang iba ay naibida pa ang kanilang pagsayaw at paghugot kasama ng mga atleta tulad nina Dzi Gervacio, Mae Tajima, Cherry Nunag, Fhem Emnas, Jeanette Panaga, Risa Sato, Jia Morado, at Jema Galanza, na pinasigaw ang fans sa kanyang bersyon ng “Dalagang Pilipina” challenge.
 
Mistulang supermodel din ang mga volleyball star sa tulong ng Chalk Magazine. Kabilang sa mga rumampa sina Valdez at Pau Soriano ng Creamline, Pablo at Jellie Tempiatura ng Motolite, Nunag at Cai Baloaloa ng PetroGazz, Gervacio at Tajima ng BanKo Perlas, Jeannie De Los Reyes at Jem Nicole Gutierrez ng Pacifictown Army, at Katrina Racelias at Satriani Espiritu ng BaliPure.
 
Naghatid rin ng saya ang pagbisita ng MYX VJs na sina Samm at Sunny at mga finalist ng 2019 MYX VJ Search. Gayundin ang mini-concert mula sa Star Music Artists na sina Hashtag Rayt at Janella Salvador, kasama si Kyler mula naman sa Tarsier Records. Nagsilbi naman bilang opening number ang kampeon ng NCAA sa cheerleading competition na Arellano U Chiefsquad..
 
Nagsilbing pampagana ang S+A Volleyball Grand Fans Day para sa pagbubukas ng ikatlong season ng PVL tampok ang mga international volleyball player tulad nina Kutikka Kaewpin ng Creamline, Janisa Johnson at Wilma Salas ng PetroGazz, at ang Thai duo ng Pacific Town-Army na sina Kannika Tipachot at Sutadta Chuewulim sa Reinforced Conference.
 
Para sa karagdagang impormasyon at iba pang mga balita ukol sa PVL at sa S+A Volleyball Grand Fans Day, bumisita lamang sa sports hub ng ABS-CBN na sports.abs-cbn.com at sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter o kaya i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin angwww.abscbnpr.com