News Releases

English | Tagalog

Press statement on "A Soldier's Heart"

January 23, 2020 AT 03:35 PM

Humihingi ng paumanhin ang ABS-CBN kay Agusan Del Norte Rep. Lawrence Fortun at sa mga taga-Butuan City kung nasaktan sila ng mga eksena sa teleseryeng “A Soldier’s Heart.” Bagama’t kathang-isip lamang ang insidenteng ipinakita sa serye, nabanggit ang pangalan ng lungsod. Sinisigurado po namin na hindi namin sinasadya at wala kaming intensyong sirain ang imahen ng Butuan City sa programa. Kinikilala namin ang Butuan bilang isa sa mga pinakamaganda at mapayapang siyudad sa bansa.