News Releases

English | Tagalog

Brother group ng Momoland na T1419, bagong susubaybayan ng mga Pinoy

February 02, 2021 AT 02:09 PM

Ipinakilala na sa buong mundo ng MLD Entertainment, ang South Korean entertainment agency na nagdala ng MOMOLAND, ang pinakabagong mega boy group na hahangaan at kakikiligan ng K-pop fans – ang T1419.
 
Inilunsad ang naturang grupo noong Enero at kinabibilangan ng siyam na miyembro – ang Korean members nitong sina Sian, Kevin, Gunwoo, On, at leader na si Noa, at ang Japanese boys na sina Zero, Kairi, Leo, at Kio.
 
Pasabog naman ang music video ng official debut single nilang “ASURABALBALTA,” na sa loob lamang ng tatlong linggo ay nakakuha na agad ng 18 milyong views. Bahagi ito ng debut single album ng group na “Before Sunrise Part. 1” na napapakinggan na ngayon sa iba’t ibang online music streaming platforms.
 
Para naman lalong makilala ang grupo, masusundan ang adventures, games, at behind-the-scenes nila sa kanilang group vlogs na napapanood na sa official YouTube channels ng MLD Entertainment at T1419. Mapapanood din sa YouTube channels ang video at dance practice videos ng “Dracula,” ang pre-debut single ng T1419, pati na ang iba pa nilang dance practice at performance videos.
 
Ang sister group ng T1419 na MOMOLAND ay co-managed ng ABS-CBN sa Pilipinas.
 
Para makakuha ng updates, sundan lang ang grupo sa @T1419_official sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa T1419 YouTube channel at sa  YouTube channel ng MLD Entertainment.