News Releases

English | Tagalog

Klarisse, wagi sa pag-kopya kay Jaya sa “Your Face Sounds Familiar Season 3” 

March 11, 2021 AT 08:42 AM

Klarisse channels Jaya in first win on “Your Face Sounds Familiar Season 3”

The “Soul Diva” nailed the vocals and the look of the “Queen of Soul” to become the third weekly winner of the hit musical variety competition airing every weekend on Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, and iWantTFC.

Nakamit ni Klarisse De Guzman ang kanyang unang panalo sa “Your Face Sounds Familiar Season 3” matapos pabilibin ang mga jury sa kanyang pag-gaya kay Jaya nitong nakaraang weekend. 
 
Kuhang-kuha ng “Soul Diva” ang boses at hitsura ng nag-iisang “Queen of Soul” upang maging ikatlong weekly winner ng hit Kapamilya musical variety competition na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, and iWantTFC.
 
Tulad ni Klarisse, mataas rin ang mga nakuhang boto nina Vivoree Esclito, na nagtanghal bilang Camilla Cabello, at CJ Navato, na kinopya naman si Rico J. Puno,  mula sa jury na sina Gary V, Ogie Alcasid, at Sharon Cuneta.
 
Ngayong weekend, balik sa indakan si Klarisse dahil si Britney Spears naman ang susunod niyang gagayahin. Kay Vivoree naman si Kim Chiu, kay CJ si Justin Bieber, kay Christian Bables si Vina Morales, kay Jhong Hilario si Tina Turner, at kay Geneva Cruz si Dua Lipa.
 
May handa ring pasabog na performances ang iDolls, bilang sina Pink, Mya, at Christina Aguillera, at si Lie Reposposa na lalabas bilang si Donna Summer.
 
Huwag palampasin ang “Your Face Sounds Familiar Season 3” tuwing Sabado ng 8 pm at Linggo 7:30 pm kasama ang celebrity performers, ang host na si Luis Manzano, ang jury, at ang celebrity mentors na sina Jed Madela at Nyoy Volante sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC. Panoorin din ang “KaFamiliar Online Live” show nina Darren Espanto at AC Bonifacio sa Kapamilya Online Live tuwing commercial breaks.
 
Para sa mga nakaraang perfomances pumunta sa official YouTube channel ng “Your Face Sounds Familiar” o sa iWantTFC. I-follow ang @YourFacePH para sa updates sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para sa balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom