News Releases

English | Tagalog

Tan Roncal at Eian Rances, mabubulabog dahil sa isang halik sa bagong ABS-CBN ‘PILIkula’ "Pa mine, Pare"

May 20, 2021 AT 04:39 PM

Mabubulabog ang magkaibigang sina Anton (Eian Rances) at Davey (Tan Roncal) dahil sa isang halik sa bagong interactive movie na "PILIkula: Pa-Mine, Pare" na mapapapanood sa Mayo 21.  

 

Napili sina Tan Roncal at Eian Rances para maging lead sa bagong PILIkula, matapos ibigay ng ABS-CBN sa mga manonood ang kapangyarihan na bumoto sa kumu at KTX.PH. Sa loob ng dalawang linggo, nagtagisan sa nasabing app ang mga up-and-coming male stars sa livestream nila para masungkit ang roles. 

 

High school pa lamang ay mag-best friends na ang dalawa. Kahit lumaki sa mayamang pamilya, pinili ni Anton na bumukod at seryosohin ang pag-online selling ng kanyang menswear. 

 

Noong nasa college sila, naging katuwang na niya si Davey, na tumira kasama niya nang manirahan ang pamilya nito sa Cebu. Maayos naman ang naging samahan ng dalawa—hanggang sa isang araw sa kalagitnaan ng online selling ay hinalikan ni Davey si Anton. Lalung hihirap ang sitwasyon ng dalawa dahil bubuyuin sila ng barkada, na gagampanan nina Justin Dizon, Paolo Arce, at Isaiah Dela Cruz. 

 

Ano kaya ang mangyayari sa kanilang relationship? Madidiskubre kaya nila kung ano ang nararamdaman nila para sa isa't isa?  

 

Bumili na ng ticket sa KTX.PH sa halagang P150 at mag-antay ng email para sa link kung saan manpapanood ito. Samantala, hawak naman ng viewers ang magiging ending ng palabas sa pagboto nila sa kumu.  

 

Kasama ang “PILIKula” sa humahabang listahan ng digital content ng OKS (Online Kapamilya Shows). Isa lang ang "PILIkula" sa marami nang nilikha ng ABS-CBN TV Digital Group. 

 

Mula noong 2020, gumagawa na ang TVDG ng iba't ibang content para sa mga Kapamilyang online tulad ng iWant Original na "TNT Boys,"“Trip to Quiapo” at “Hush," ang online anthology show na "Stay At Home Stories," ang interactive show na "PILIkula," ang digital documentary na "Persona: Jake Zyrus," ang online reality show na "Starkada Battle," at ang online celebrity search na "Ultimate Bida Star.” 

 

Para sa updates, i-follow ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@abscbnpr).