News Releases

English | Tagalog

JC Alcantara, gaganap bilang "Tawag ng Tanghalan" season 4 grand champion JM Yosures sa "MMK"

May 21, 2021 AT 01:39 PM

Kapupulutan ng aral at inspirasyon ang pagganap ni JC Alcantara bilang ang "Tawag ng Tanghalan" Season Four Grand Champion na si JM Yosures ngayong Sabado (Mayo 22) sa “MMK.” 

 

Namulat si JM (JC) sa isang mahirap na pamumuhay. Umabot si JM sa puntong pinigilan ng ina na abutin ang pangarap na maging isang singer at sinabihang magfocus na lang sa kanyang pag-aaral.  

 

Ngunit kahit pa na nakatapos siya at magkaroon ng maayos na trabaho, alam ni JM sa kanyang sarili na may kulang pa rin sa kanyang buhay.  Dahil sa suporta ng kanyang stepfather at ina, sumali si JM sa “Tawag ng Tanghalan” kung saan hindi lang niya nakamit ang kasikatan at salapi, kundi mga aral kung paano maabot ang kanyang pangarap.   

 

Panoorin ang “MMK” sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.  

 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o visitwww.abs-cbn.com/newsroom.