News Releases

English | Tagalog

Mag-ex na nagkita ulit, bida sa bagong kanta ng Kiss N Tell

February 15, 2022 AT 12:16 PM

Tungkol sa pagkikita ulit ng mag-ex ang bagong kanta na “Exsena” ng alternative pop rock band na Kiss N Tell mula sa DNA Music ng ABS-CBN.

Kinuha sa pinagsamang ‘eksena’ at ‘ex’ ang pamagat ng kanta na inilalarawan ang tagpo kung saan nagkita ulit ang dating magkarelasyon at tinatalakay ang mga pagbalik ng mga alaala dahil sa nasabing pangyayari.

Isinulat ng mga miyembro ng banda na sina Joshua Ortiz (rhythm guitar) at Aniceto Cabahug III (lead guitar) ang acoustic pop track at ipinrodyus ni Eunice Jorge at Velvet Playground na sila ring nasa likod ng produksyon ng isa pang single ng Kiss N Tell na “Lundag.”

Kabilang ngayon sa New Music Friday editorial playlist ng Spotify Philippines ang “Exsena” na bagong adisyon sa mga kanta ng banda na tumatalakay sa maraming mukha ng pag-ibig. Nauna na nilang ini-release ang “Lundag” tungkol sa pagiging ‘rebound’ at ang entry nila sa HIMIG 11th edition na “Pahina” tungkol naman sa pagkakaroon ng closure.

Kasama nina Joshua at Aniceto sa kasalukuyang lineup ng banda sina Lennix Purificacion (lead vocals), Arjumar Arbotante (bass guitar), Ronnel Navarro (keys), at Ernie Bañares (drums).

Alamin kung ano nga ba ang pakiramdam na makita ang iyong ex sa pakikinig ng “Exsena” sa DNA Music YouTube channel at sa iba’t ibang digital music platforms. Para sa iba pang detalye, sundan ang DNA Music sa Facebook (www.facebook.com/dnamusicph), Twitter at Instagram (@dnamusicph).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE