News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, ipapalabas ang "It's Your Lucky Day" ng 12 araw

October 11, 2023 AT 08:00 PM

ABS-CBN launches "It's Your Lucky Day" for 12 days

"It's Your Lucky Day" will air from Oct. 14 to 27, Mondays through Saturdays, at 12nn on Kapamilya Channel, A2Z, and GTV.  It will also be available on Kapamilya Online Live, iWantTFC, and TFC.

Ang pinakabagong game variety show ng Pilipinas na “It’s Your Lucky Day” ang pansamantalang papalit sa “It’s Showtime” at pangungunahan ito ng Pambansang Host na si Luis Manzano kasama sina Robi Domingo, Jennica Garcia, at Melai Cantiveros.  Makakasama rin nila ang iba pang special co-hosts at celebrity guests.  
 
Mula sa bumubuo ng “It’s Showtime,” ang “It’s Your Lucky Day” ay magtatampok ng bagong game at variety segments at ipapalabas tuwing tanghali mula Oktubre 14 hanggang Oktubre 27, Lunes hanggang Sabado sa Kapamilya Channel, A2Z, at GTV.  Mapapanood rin ito sa Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC. 
 
Inaanyayahan namin ang mga manonood na patuluyin ang swerte sa kanilang mga tahanan at makisaya kasama ang buong pamilya sa “It’s Your Lucky Day.”