News Releases

English | Tagalog

Coco, magpapasiklab sa Cinema One ngayong Nobyembre

October 30, 2023 AT 02:33 PM

Mga pelikula nina Angelica at Paulo, tampok din

Aksyon at katatawanan ang hatid ng Primetime King na si Coco Martin sa kanyang pagbida sa Blockbuster Sundays ng Cinema One ngayong Nobyembre.
 
Saksihan si Coco bilang mabait na pulis na si Jack sa “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” (Nob. 5), matikas na si Flavio sa “Ang Panday” (Nob. 12), napagbintangan na si Pol sa “3pol Trobol: Huli Ka Balbon!” (Nob. 19), at gang leader na si Paco sa “The Super Parental Guardian” (Nob. 26) na mapapanood sa tuwing Linggo, 7pm.
 
Tampok din sa Cinema One ang bigating pelikula ng Kapamilya aktres na si Angelica Panganiban na eere sa Monday Drama, 9pm. Saksihan siya bilang problemado na asawa na si Lizelle sa “I Love You, Goodbye” (Nob. 6), mapagmahal na si Pia sa “Exes Baggage” (Nob. 13), matapang na si Jacqueline sa “One More Try” (Nob. 20), at matalik na kaibigan na si Deena sa “Unbreakable” (Nob. 27).
 
Samantala, papatibukin naman ni Paulo Avelino ang puso ng mga manonood sa pagbida niya sa Romance Central. Tunghayan si Paulo bilang isang politiko na si Philip sa “Kasal” (Nob. 5), mapagpalaya na si Brian sa “The Unmarried Wife” (Nob. 12), tinitingalang bachelor na si Philip sa “The Bride and the Lover” (Nob. 19), at housemate na si Jerry sa “Status: It’s Complicated” (Nob. 26) na eere tuwing Linggo, 5pm.
 
Isang pagpupugay para sa award-winning direktor na si Cathy Garcia ang handog ng Cinema One sa C1 Masters na mapapanood tuwing Miyerkules, 9pm. Huwag palampasin ang ilan sa kanyang pelikula tulad ng “The Hows of Us” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (Nob. 1), “You Changed My Life” nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz (Nob. 8), “Four Sisters and a Wedding” nina Angel Locsin at Bea Alonzo (Nob. 15), “A Second Chance” nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo (Nob. 22), at “Hello, Love, Goodbye” nina Alden Richards at Kathryn Bernardo (Nob. 29).
 
Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa Cignal ch. 45, SKYcable ch. 56, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at YouTube.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE