News Releases

English | Tagalog

Butch Francisco, Leo Katigbak ilalahad ang kanilang "Best 10 Bets" sa mundo ng showbiz

December 20, 2023 AT 10:25 AM

Comeback ni Butch sa showbiz talk show
 
Nagbabalik ang batikang TV host na si Butch Francisco kasama ngayon ang film preservation advocate na si Leo Katigbak para sa mainit na showbiz chikahan sa bagong talk show ng FYE na “Best 10 Bets” na magsisimula nang ipalabas sa Enero 6 (Sabado), 7pm sa FYE YouTube channel at Spotify.
 
Tampok sa 30-minute countdown show ang Top 10 list mula sa mundo ng showbiz at pop culture.
 
Si Butch na batikang entertainment journalist at nakilala sa mga programang “Showbiz Lingo” ng ABS-CBN at “Startak” ng GMA ang maglalahad ng kanyang Top 10 picks para sa napiling topic kada episode.
 
Sasamahan naman siya ni Leo, ang ABS-CBN Film Restoration head na nasa likod ng Sagip Pelikula advocacy para suportahan at i-challenge ang mga napili ni Butch at magbigay rin ng kanyang sariling opinyon at showbiz trivia.
 
Para sa unang episode (Enero 6), pag-uusapan nia ang Best Actresses of the Modern Era. Tututok naman sila sa Best MMFF Movies of all time sa susunod na episode na ipapalabas sa Enero 13.
 
Pagdedebatihan din ng mga “Best 10 Bets” host ang  kanilang top Love Teams of All Time, Greatest Love Stories at Break Ups, at marami pang iba sa mga darating na episode nito.
 
Simula naman sa episode 4 ng programa, sasamahan sina Butch at Leo ng TikTok star na si Gandang Morenx na may mahigit 4.7 million followers sa social media.
 
Abangan ang “Best 10 Bets” sa FYE YouTube channel at Spotify tuwing Sabado simula Enero 6, 7pm. Para sa karagdagang detalye sa “Best 10 Bets,” sundan ang FYE Channel sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE