News Releases

English | Tagalog

“That’s Diner” restaurant nina Gladys Reyes at Christopher Roxas, itatampok Sa “My Puhunan”

December 07, 2023 AT 11:07 PM

Migs, bibisitahin ang ice cream shop ng isang Filipina sa California

 

Dadalhin ng celebrity couple na sina Gladys Reyes at Christopher Roxas si Karen Davila sa isang gastronomic journey dahil ihahain nila ang specialty menu ng kanilang restaurant sa “My Puhunan: Kaya Mo” ngayong Sabado (Disyembre 9).

Sinimulan ng mag-asawa ang kanilang restaurant na "That's Diner" noong nakaraang taon sa Quezon City at nagdagdag ng isa pang branch sa San Pedro, Laguna pagkalipas ng isang taon. Matitikman ni Karen ang kanilang mga pagkain na inihanda mismo ni Christopher.

Samantala, matutuklasan ni Migs Bustos ang kuwento kung paano nagtayo ng sariling ice cream shop si Adrienne Borlongan sa California, USA matapos ma-inspire ng kanyang lolo na nagtrabaho sa isang sikat na ice cream shop sa Pilipinas.

Nagsampol si Migs ng mga kakaibang flavor mula sa shop ni Adrienne na "Wanderlust Creamery," na mayroon na ngayong walong branch mula nang magbukas sila noong 2014.

Huwag palampasin ang mga kwentong puno ng inspirasyon sa ‘My Puhunan: Kaya Mo!’ kasama sina Karen Davila at Migs Bustos sa bago nitong timeslot tuwing Sabado, 5:00 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live at sa iba pang ABS-CBN News online platforms. 

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.