News Releases

English | Tagalog

Thomjay at NAIV, nagsama para sa R&B love song na "Ikaw"

February 09, 2023 AT 03:40 PM

Nanguna agad sa Spotify Fresh Finds PH

Ibinuhos ng promising Tarsier Records artists na sina NAIV at Thomjay ang kanilang damdamin sa R&B single na "Ikaw" na nanguna agad sa Spotify Fresh Finds Philippines playlist noong Pebrero 3.


Dala ng awiting isinulat mismo nina NAIV at Thomjay kasama si Jianluigi Masongsong ang mensahe ng pag-ibig sa taong minamahal at ang iba't ibang emosyon na kaakibat nito. Ipinrodyus naman ito ni Plumberboi. 

Bukod sa Fresh Finds Philippines, umarangkada rin sa ika-11 pwesto ng OPM Rising playlist ng Spotify ang awitin.

Ang singer, songwriter, at rapper na si NAIV ay dating na-feature din sa Spotify Fresh Finds Philippines para sa single niyang "Ignition.” Kasalukuyan siyang nag-aaral ng Bachelor of Music in Music Performance sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Bago ang kantang “Ikaw,” iba’t ibang R&B tracks na ang inilabas ni Thomjay tulad ng “Selfish” at “Naked” at bahagi rin siya ng Olongapo City artists group na “ID-IO Collective.” Mahilig siyang umawit mula pagkabata at ilan sa kanyang mga naging impluwensiya sa musika sina Chris Brown, Daniel Caesar, Justin Bieber, at Zayn.

Idagdag sa iyong chill playlist ang "Ikaw" na napapakinggan sa iba't ibang digital platforms at napapanood ang lyric video nito sa YouTube. Para sa ibang detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE