News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN at Skin Magical, sanib-pwersa para sa "FPJ's Batang Quiapo"

June 28, 2023 AT 08:44 AM

May licensing collaboration ang ABS-CBN at Skin Magical kaugnay sa hit na hit na primetime serye na “FPJ’s Batang Quiapo.”
 
Sa ilalim ng licensing agreement ng dalawang kompanya, magkakaroon ng “FPJ’s Batang Quiapo” hair booster shampoo with aloe vers at rejuvenating set na nakatakdang ilunsad sa Hulyo.
 
“Eto yung kino-consider ko na biggest comeback ng Skin Magical,” sabi ni Skin Magical president Ghie Pangilinan tungkol sa pagpili niya sa “FPJ’s Batang Quiapo” para sa bagong partnership. “Napili ko talaga ito [‘FPJ’s Batang Quiapo’] dahil experience ko na rin before sa ‘Kadenang Ginto’ na talagang nag-click ang brand namin dahil iba talaga pag sinabi mong Kapamilya.”
 
Nauna nang nagsanib-pwersa ang ABS-CBN at Skin Magical para sa “Kadenang Ginto Gandang Palaban Beauty Regimen Set” na inilabas noong 2019 at naging bestseller at naging daan din para sa dagdag-kabuhayan ng maraming distributor at reseller.  
 
Kasama rin sa naging official signing event sina ABS-CBN Integrated Marketing and Customer Experience head Cookie Bartolome at Licensing cluster head Julie Ann Gutierrez. Sa pamamagitan ng Licensing division nito, patuloy ang ABS-CBN sa paghahatid ng Kapamilya experience sa mga manonood gamit ang licensed merchandise kung saan tampok ang mga minamahal na karakter sa telebisyon.
 
Ang “FPJ’s Batang Quiapo” ang kasalukuyang nangungunang Pinoy teleserye na nagtatampok sa kwento ng pang-araw-araw na pinagdadaanan ng pamilya, magkakaibigan, at komunidad na bumibihag sa puso ng mga manonood.  
  
Isa naman ang Skin Magical sa fastest-growing beauty brands na naghahatid ng murang skin at personal care products sa merkado ngayon.
 
Abangan ang “FPJ’s Batang Quiapo” products sa Skin Magical outlets nationwide. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE