News Releases

English | Tagalog

"Bola Bola," "Lyric and Beat," at iba pang iWantTFC originals libre na sa YouTube

July 20, 2023 AT 10:38 AM

Available worldwide!

Kahit saang bahagi ka man ng mundo, mas madali nang mapapanood ang paboritong iWantTFC original series dahil available na ang mga ito nang libre sa YouTube simula ngayong Hulyo 20. 

Muling aapaw ang kilig at good vibes kapag tumutok sa “iWantTFC Originals Playback” sa iWantTFC YouTube channel kung saan may live premiere ng isang featured series kada Huwebes ng 6 PM (Manila time). Pwede rin ulit-ulitin ang panonood dahil magiging available rin ang mga serye ng on-demand. 

Unang mapapanood ang romantic-comedy series na “Bola Bola” tampok sina Francine Diaz, KD Estrada, Ashton Salvador, at Akira Morishita. Tungkol ito sa isang matabang dalagang si Thea (Francine) at sa tatlong lalaking mahuhumaling kay Thea at pag-aagawan siya. 

Tuloy-tuloy din ang good vibes sa “Lyric and Beat,” ang kauna-unahang musical drama series ng iWantTFC. Patutunayan dito nina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Kyle Echarri, Darren Espanto, AC Bonifacio, at iba pa ang kanilang galing at talento sa pagkanta at pagsayaw tampok ang mga nakakaindak na performances. 

Sa mga susunod na buwan, masusubaybayan ang iba pang iWantTFC originals tulad ng mga seryeng patok na patok sa internet na “Glorious” at “MOMOL Nights,” pinagbibidahan ng star-studded cast sa “My Single Lady” (Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo), “The Goodbye Girl” (Angelica Panganiban, Elisse Joson, Barbie Imperial, Loisa Andalio, at Maris Racal), at “Call Me Tita” (Angelica Panganiban, Cherry Pie Picache, Agot Isidro, Joanna Ampil, Mylene Dizon, at Lorna Tolentino). 

Nariyan din ang mga LGBT-themed titles na siguradong kakikiligan tulad ng “Oh, Mando” at “Love Beneath The Stars,” pati na rin ang masterclass series na “Trip to Quiapo” na hango sa best-selling scriptwriting manual ng award-winning writer na si Ricky Lee. 

Mag-subscribe na sa iWantTFC YouTube channel at panoorin ang iba’t ibang movies at series na available rin sa iWantTFC app (iOs at Android) o website. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE