News Releases

English | Tagalog

FPJ, maghahari sa Cinema One ngayong Agosto

August 02, 2023 AT 02:54 PM

Mga pelikula nina Dingdong at Marian, tampok din

Balikan ang ilan sa kilalang pelikula ni Da King Fernando Poe Jr. sa “FPJ: Hari ng Pinoy Cinema” na mapapanood sa Cinema One tuwing Linggo ngayong Agosto, 11am.

Saksihan si FPJ bilang ang masipag na si Alfredo sa “Sigaw ng Katarungan” (Ago. 6), matapang na Lawin sa “Ang Alamat ng Lawin” (Ago. 13), matikas na Panday sa “Ang Panday” (Ago. 20), at matinik na assassin na si Emong sa “Ang Padrino” (Ago. 27).

Maghahatid naman ng iba’t ibang emosyon ang mga reyna ng Philippine drama ngayong buwan. Tunghayan ang kwento ng “Madrasta” ni Sharon Cuneta (Ago. 7), “Separada” ni Maricel Soriano (Ago. 14), “Hindi Nahahati ang Langit” ni Dina Bonnevie (Ago. 21), at “Hanggang Kailan Kita Mamahalin” ni Lorna Tolentino (Ago. 28) na mapapanood sa Monday Drama tuwing 9pm.

Samantala, sunod-sunod na regalo ang handog ng Cinema One para sa DongYan fans dahil sa back-to-back na mga pelikula ng power couple. Saksihan ang pagbida ni Dingdong Dantes sa “One More Try” (Ago. 1), “Segunda Mano” (Ago. 2), “Bahay ni Lola 2” (Ago. 3), “The Unmarried Wife” (Ago. 4), at “Seven Sundays” (Ago. 5) na eere mula Martes hanggang Sabado, 7pm. Tampok din ang mga pelikula ni Marian Rivera na “Bahay Kubo” (Ago. 7), “Pamahiin” (Ago. 8), “Shake, Rattle, & Roll X” (Ago. 9), “Kung Fu Divas” (Ago. 10), at “Tarot” (Ago. 11) na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 7pm.

Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa Cignal ch. 45, SKYcable ch. 56, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers. Para sa iba pang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.


 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE