News Releases

English | Tagalog

Janine at Zanjoe nagpasalamat sa tagumpay ng "Dirty Linen"

August 23, 2023 AT 12:46 PM

Game changer: "Dirty Linen" leaves lasting impact on viewers, draws billions of views online

Janine Gutierrez and Zanjoe Marudo led the cast in expressing their gratitude for being a part of a game-changing teleserye

Taos-pusong pasasalamat ang pinaabot ng lead stars ng “Dirty Linen” na sina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo para sa walang sawang suporta sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang teleserye. 

Hindi makapaniwala ang cast sa mainit na pagtanggap ng mga manonood ng “Dirty Linen,” kung saan nakahatak ito ng 2.3 billion views sa TikTok at numero unong spot bilang most watched series sa iWantTFC. 

Gabi-gabi rin itong trending sa social media kung saan tinutukan ang mga kapanapanabik na komprontasyon at sagutan ng mga karakter. 

“Surreal na naging parte ako ng ganitong klaseng level ng cast. Ito na siguro ‘yung favorite kong role kasi ang dami niyang layers. Sobrang thankful ako na pinagkatiwalaan ako to play Alexa. Sobrang dream come true,” sabi ni Janine noong finale mediacon ng serye. 

Nagpasalamat din si Zanjoe sa production team ng serye, pati na rin sa kanyang mga co-actor na nagsimula ng viral “mata-mata acting.”

“Pinapanood ko siya bilang part ng show and bilang audience din na naho-hook sa istorya. Kudos sa musical director na sobrang galing. Tinulungan nila kaming gumaling. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng cast, production, at sa mga direktor ko,” pagbabahagi ni Zanjoe. 

Samantala, pupunta sa Amerika sina Janine, Zanjoe, Seth Fedelin, Francine Diaz, John Arcilla, at Tessie Tomas, kasama si Jed Madela, para magpasalamat sa mga manonood na tumangkilik sa “Dirty Linen.” Abangan sila sa “G! Kapamilya presents Dirty Linen sa America” sa Memorial Auditorium sa Sacramento, California ngayong August 26, at sina Janine, Zanjoe, at Jed sa Arena Theater Houston, Texas ngayong August 27.

Sa pagtatapos ng “Dirty Linen” ngayong linggo, sunod-sunod na pasabog na rebelasyon ang dapat abangan ng mga manonood. Mabibigyan na ng kasagutan ang mga krimen ng pamilya Fiero at malalaman na rin kung makukuha ni Alexa (Janine) ang matagal na niyang inaasam na hustisya.

Huwag palampasin ang pasabog na finale ng “Dirty Linen” sa Agosto 25 (Biyernes) ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Dirty Linen.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE