News Releases

English | Tagalog

"Senior High" available na nang libre at on-demand sa US, Canada, Europe, Middle East, at Australia

September 14, 2023 AT 11:04 AM

Available sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment

Gawing masaya ang bawat Lunes sa panonood ng “Senior High,” tampok si Andrea Brillantes, dahil available na ito sa buong mundo nang libre at on-demand sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel. 

Pwede nang magbinge-watch ng pinakabagong episodes ng trending Kapamilya teleserye sa US, Canada, Europe, Middle East, at Australia kung saan week-long episodes ang ipapalabas kada Lunes simula Setyembre 11. 

Patuloy na umaani ng papuri ang “Senior High” para sa mahalagang mensahe ng kwento tungkol sa mga isyung kinakaharap ng kabataan ngayon tulad ng bullying, mental health, peer pressure, substance abuse, at iba pa. Nakalikom na ito ng pinagsama-samang higit 38 milyong digital views sa YouTube, Facebook, at iWantTFC para sa unang dalawang linggo ng serye. 

Sa pinakahuling mga rebelasyon sa “Senior High,” ibinunyag na ni Archie (Elijah Canlas) sa lahat ang katotohanang nambabae ang tatay niyang si Harry (Baron Geisler) at ito nga ang totoong ama ng twins na sina Luna at Sky (Andrea). Dahil dito, nanganganib na lalong papahirapan si Sky ng mga bully na sina Archie at Z (Daniela Stranner) ngayong alam na nilang magkakapatid sila. 

Panoorin ang “Senior High” nang libre at on-demand sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE