News Releases

English | Tagalog

Tatlong Korean BL series, magpapakilig sa iWantTFC

September 20, 2023 AT 01:12 PM

Libreng mapapanood ang “Semantic Error,” “Our Dating Sim,” at “Love Mate” 

Umaapaw ang “Korean fever” sa iWantTFC dahil mapapanood sa Pilipinas at sa iba’t ibang bansa nang libre ang tatlong boys’ love (BL) series na “Semantic Error,” “Our Dating Sim,” at “Love Mate.” 

Mapapanood ang Filipino-dubbed version ng campus-youth romance na “Semantic Error” simula Setyembre 27 (Miyerkules). Mayroon itong walong episode at isang bagong episode ang ipapalabas kada Miyerkules. 

Iikot ang kwento ng “Semantic Error” kina Chu Sang Woo (Park Jae-chan), isang seryoso at maprinsipyong computer science major, at kay Jang Jae Young (Park Seo-ham), ang tila perpektong binata na crush ng bayan.  

Isang araw, ma-aassign sila sa isang grupo para sa kanilang final project sa kolehiyo pero iiwanan sa ere si Chu Sang Woo ng kanyang mga ka-grupo. Dahil si Chu Sang Woo ang gumawa mag-isa, ipapasa nito ang final project nang wala ang mga pangalan ng mga ka-grupo, kabilang ng kay Jang Jae Young. Dahil dito, manganganib na bumagsak si Jang Jae Young at hindi matuloy ang matagal na niyang pangarap na mag-aral sa ibang bansa.  

Ano ang mangyayari sa tila aso’t pusa relasyon nina Chu Sang Woo at Jang Jae Young kapag napilitan silang magsama? Mapipigilan ba nila ang damdamin ng isa’t isa kapag nagkadevelopan sila ng feelings? 

Hindi na mauubusan pa ng kilig sa iWantTFC dahil malapit na ring mapanood ang dalawa pang BL series tungkol sa pag-ibig sa pagitan ng dalawang magkatrabaho na “Our Dating Sim” (Lee Jong-hyuk at Lee Seung-gyu) at “Love Mate” (Cho Han Gyeol at Cho Hyun Min). 

Panoorin nang libre ang “Semantic Error” simula Setyembre 27 sa iWantTFC app (iOS at Android) o website. Available rin ito sa standard at premium subscribers worldwide. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices

Para sa updates, i-follow ang www.facebook.com/iWantTFC at @iwanttfc sa X (formerly Twitter) at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.