News Releases

English | Tagalog

Jericho, magpapabilib sa Monday Drama ng Cinema One ngayong Setyembre

September 04, 2023 AT 10:36 AM

New Gen Cinema Queens, mapapanood din


Iba’t ibang emosyon ang hatid ng Asian Drama King na si Jericho Rosales sa kanyang pagbida sa Monday Drama block ng Cinema One ngayong Setyembre.

Saksihan ang iba’t ibang karakter niya bilang mapagmahal na ama na si Robert sa “Alagwa” (Set. 4), musikerong si Diego sa “Siargao” (Set. 11), tapat na nobyo na si Joven sa “Nasaan Ka Man” (Set. 18), at ex-boyfriend na si Ethan sa “#Walang Forever” (Set. 25) na mapapanood tuwing Lunes, 9pm.

Samantala, tampok din ang Kapamilya aktres na si Erich Gonzales at ang kanyang mga pelikula ngayong buwan. Bibida siya bilang ang masayahing baker na si Joey sa “Suddenly It’s Magic” (Set. 18), aswang na si Corazon sa “Corazon: Ang Unang Aswang” (Set. 19), stuntwoman na si Kray sa “We Will Not Die Tonight” (Set. 20), hopeless romantic na si Yumi sa “I Do” (Set. 21), at campus princess na si Erin sa “Once a Princess” (Set. 22) na eere mula Lunes hanggang Biyernes, 7pm.

Handog din ng Cinema One ang iba’t ibang pelikula ng New Gen Cinema Queens tulad ng “Sabel” ni Judy Ann Santos (Set. 25), “Milan” ni Claudine Barretto (Set. 26), “A Second Chance” ni Bea Alonzo (Set. 27), “In the Name of Love” ni Angel Locsin (Set. 28), at “The Hows of Us” ni Kathryn Bernardo na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 7pm.

Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa Cignal ch. 45, SKYcable ch. 56, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers. Para sa iba pang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.