News Releases

English | Tagalog

Piolo, bida sa iba't ibang kwento ng pag-ibig sa Cinema One

January 17, 2024 AT 10:32 AM

Mga pelikula ni Vhong at dating Kapamilya loveteams, mapapanood din ngayong buwan

Nagpapakilig ang award-winning actor na si Piolo Pascual hatid ang kanyang iba’t ibang pelikula na umaarangkada sa Monday Drama ng Cinema One ngayong Enero.
 
Matapos pakiligin ang puso ng mga manonood sa pelikulang “Love Me Again,” “Milan,” at “Don’t Give Up On Us” nitong bagong taon, bibida naman si Piolo bilang isang nangangarap na musikero na si Gino sa “The Breakup Playlist” (Ene. 22) at bilang restaurant owner na si Marco sa “Starting Over Again” (Ene. 29) na mapapanood tuwing Lunes, 9pm. 
 
Samantala, nag-uumapaw na katatawanan naman ang hatid ni Vhong Navarro sa kanyang pagpapasiklab sa Tuesday Comedy ng Cinema One. Saksihan si Vhong sa “Da Possessed” kasama si Solenn Heusaff (Ene.23) at “Woke Up Like This” kasama si Lovi Poe (Ene. 30) na eere tuwing Martes, 9pm.
 
Kwento ng pag-ibig at pangarap ang itatampok ng dating Kapamilya loveteams sa Blockbuster Sundays ng Cinema One. Balikan ang kwento ng “I Love You, Hater” nina Joshua Garcia at Julia Barretto (Ene. 21) at “The Hows of Us” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (Ene. 28) na mapapanood tuwing Linggo, 7pm. 
 
Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa Cignal ch. 45, SKYcable ch. 56, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.