News Releases

English | Tagalog

Buong season one ng "FPJ's Batang Quiapo" libre nang mapapanood sa YouTube

February 21, 2024 AT 08:49 AM

Handog ng ABS-CBN para sa unang anibersaryo ng serye

Walang humpay ang selebrasyon ng “FPJ’s Batang Quiapo” para sa una nitong anibersaryo dahil libre nang mapapanood sa buong mundo ang full episodes ng season one sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel

Isa ito sa mga regalo ng “Batang Quiapo” family, sa pangunguna ng Primetime King na si Coco Martin, sa mga manonood na walang sawang sumusuporta at nagmamahal sa programa. Mababalik-balikan sa season one ang simula ng kwento ni Tanggol (Coco) at ang mga iconic scene na tumatak na sa puso ng mga Pilipino.

Sa pagbubukas ng bagong kabanata ng mas maakysong “FPJ’s Batang Quiapo,” tuloy-tuloy pa ring mapapanood nang live at on-demand ang mga bagong episode sa Kapamilya Online Live sa Pilipinas, Asya, Australia, Europe, at New Zealand.

Samantala, nagsimula nang mag-ikot ni Coco at iba pang cast ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas bilang parte ng pagbibigay saya at pasasalamat sa kanilang mga taga-suporta para sa anibersaryo ng programa. Una nilang binisita ang mga barangay sa Cavite noong Pebrero 17 kung saan libo-libong fans ang nag-abang sa motorcade. 

Mag-subscribe sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel para mapanood ang full episodes ng “FPJ’s Batang Quiapo.” Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE