News Releases

English | Tagalog

Kathryn, ibabandera ang husay sa Cinema One ngayong Women's Month

March 01, 2024 AT 10:46 AM

Tampok din ang Holy Week Special ngayong Marso

Muling ipapamalas ng Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo ang kanyang talento sa pag-arte sa kanyang pagbida sa Cinema One ngayong Women’s Month.

Saksihan ang Kapamilya actress bilang isang aspiring photographer na si Jackie sa “Crazy Beautiful You” (Mar. 3), mapagmahal na anak na si Tin sa “Three Words to Forever” (Mar. 10), bride-to-be na si Gab sa “Can’t Help Falling In Love” (Mar. 17), OFW domestic helper na si Joy sa “Hello, Love, Goodbye” (Mar. 24), at masipag na breadwinner na si George sa “The Hows of Us” (Mar. 31) na mapapanood sa Blockbuster Sundays block, 7pm.

Patuloy na magbibigay pugay ang Cinema One sa ilang tinitingalang aktres sa industriya ng pelikula ngayong Women’s Month. Abangan ang “Milan” ni Claudine Barretto (Mar. 4), “Kasal, Kasali, Kasalo” ni Judy Ann Santos (Mar. 11), “A Second Chance” ni Bea Alonzo (Mar. 18) at “Love Me Again” ni Angel Locsin (Mar. 25) na mapapanood sa Monday Drama tuwing 9pm. 

Samantala, tuloy-tuloy rin ang saya at katatawanan kasama si Unkabogable Star Vice Ganda dala ang iba’t ibang pelikulang minahal ng mga manonood ngayong Marso. Huwag palampasin si Vice sa “This Guy’s in Love with U Mare” kasama sina Toni Gonzaga at Luis Manzano (Mar. 18), “The Unkabogable Praybeyt Benjamin” kasama si Derek Ramsey (Mar. 19), “Fantastica” kasama sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez (Mar. 20), “Sisterakas” kasama sina Kris Aquino at Ai-Ai delas Alas (Mar. 21), at “Beauty and the Bestie” kasama si Coco Martin (Mar. 22) na eere mula Lunes hanggang Biyernes, 7pm.

Damhin ang iba’t ibang nakakaantig na pelikula na tampok sa Holy Week Special ng Cinema One na mapapanood mula Marso 28 hanggang 31. Tunghayan ang “Madrasta” ni Sharon Cuneta, “Tanging Yaman” ni Gloria Romero, “Seven Sundays” ni Ronaldo Valdez, “Anak” nina Vilma Santos at Claudine Barretto, at iba pang drama films. 

Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa SKYcable ch. 56, Cignal ch. 45, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.