Undocumented OFWs sa Kuwait, pinagrerehistro sa repatriation | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Undocumented OFWs sa Kuwait, pinagrerehistro sa repatriation

ABS-CBN News
Published Apr 08, 2018 05:38 PM PHT
|
Updated Jan 22, 2019 10:54 AM PHT

MAYNILA - Pinaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga undocumented overseas Filipino workers sa Kuwait na hanggang sa darating na Abril 12 na lamang puwedeng magparehistro sa repatriation program ng pamahalaan.

Ayon sa DFA, sa Abril 22 pa magtatapos ang Kuwaiti amnesty pero 10 araw ang inaabot ng pagproseso ng mga requirement na ipinapasa ng mga manggagawang Filipino sa naturang bansa kung saan tinatayang may 6,000 undocumented OFWs.

Sagot ng gobyerno ang pamasahe ng OFWs na uuwi sa bansa at maging ang pamasahe pauwing probinsiya. May financial assistance at training ding matatanggap ang mga mare-repatriate. Tutulungan din silang maghanap ng trabaho.

Ang mga nais magparehistro ay maaaring tumungo sa embahada ng Pilipinas. Pagkatapos ng Abril 22, aarestuhin na ng Kuwait ang mga overstaying na dayuhan sa kanilang bansa bilang bahagi ng kanilang crackdown sa undocumented migrant workers.

Inaasahang 720 undocumented OFWs ang babalik sa Pilipinas sasusunod na dalawang linggo. -- ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News