SAPUL SA VIDEO: Bugbugan ng 4 OFW na 'nagpang-abot' sa Hong Kong
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
SAPUL SA VIDEO: Bugbugan ng 4 OFW na 'nagpang-abot' sa Hong Kong
ABS-CBN News
Published Jun 22, 2018 09:16 PM PHT

Viral sa social media ang video kung saan kitang nagpang-abot ang dalawang grupo ng mga lalaking overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong.

Kuwento ni Denise Lizo, galing sila sa bar ng kuya niyang si Ricky nang matiyempuhan ang pananakit umano sa babae ng Muay Thai instructor na si Chancell Wong na kilala rin bilang Sebastian Yip.

Kasama noon ni Wong ang Pinoy boxer na si Jay Primo Solmiano na nagtatrabaho sa isang gym bilang instructor.

"May sinasampal pong babae si Yip so nung nakita ng brother ko sinita po siya, pagsita po sa kaniya, ako po ang agad tinalo niya, bigla niya (Wong) po akong binatukan at sinuntok," ani Lizo.

"Natakot po ang kuya ko kasi nga po alam na Muay Thai siya. May iniinom na beer ang kuya ko, pinalo po niya sa ulo [si Wong]," dagdag nito.

Ipinakita ni Wong ang sugat na natamo sa ulo dahil sa binasag na bote. May tahi rin siya sa kaniyang labi.

Mariin ding itinanggi ni Wong na sinasaktan niya ang babae at iginiit na hindi sila ang unang naggulo.

"Siguro natatapik ko 'yung kamay niya pero hindi naman kagaya ng sinasabi ng dalawang magkapatid na sinasampal o kinakaladkad ko ang babae," depensa ni Wong.

Ayon kay Lizo, umawat na umano ang boksingerong si Solmiano at palayo na silang kapatid nang magkaroon muli ng komprontasyon.

Nagpang-abot silang apat at doon na umano sila nagkabugbugan.

Kapwa determinado ang magkabilang panig na dumulog sa Hong Kong Police para magsampa ng reklamo laban sa isa’t isa.

Sinbukan kuhanin ng ABS-CBN News ang pahayag ng Consulate General sa Hong Kong tungkol sa insidente pero wala pa silang tugon.

--Ulat ni Willard Cheng, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT