Mga Pilipino sa Chongqing, China nagtipon-tipon
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga Pilipino sa Chongqing, China nagtipon-tipon
Annalyn “Apol” Mabini | TFC News China
Published Dec 12, 2023 09:28 AM PHT
|
Updated Dec 12, 2023 02:57 PM PHT

CHONGQING, CHINA - Nagtipon-tipon ang mga Pilipino sa Chongqing, China sa ginanap na town hall meeting sa pangunguna ng Department of Foreign Affairs-Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs o DFA-OUMWA at ng Philippine Consulate General noong December 6. Layon ng town hall meeting na palakasin pa ang serbisyo para sa mga kababayan.

Bahagi ng ipinahayag ni Consul General Flerida Ann Camille P. Mayo sa kanyang Ulat sa Bayan ang mga pinakahuling consular, cultural, at economic diplomacy activities ng Konsulado maging ang tulong na ibinibigay sa mga distressed na Pilipino.

Ayon pa sa DFA, nakilahok sa nasabing pagpupulong ang karamihan sa mga gurong Pilipino. Tinalakay naman ni DFA-OUMWA Special Assistant Atty. Arnel M. Sanchez ang mandatong Assistance to Nationals ng DFA maging ang mga tungkulin ng Department of Migrant Workers o DMW. Ibinahagi rin ang mga benepisyo para sa overseas Filipinos mula sa ATN Fund/Legal Assistance Fund ng DFA at Aksyon Fund mula sa DMW.

“The OUMWA is our government’s 24/7 frontline office that responds to the call of distressed Filipinos wherever they are in the world, in tandem with the DFA’s 94 Foreign Service Posts. Filipinos in dire situations – whether in war zones, disaster- or epidemic-stricken areas or in prisons – can rely on the Philippine Government to come to their aid as soon as humanly possible,” sabi ni Consul General Mayo.

Naging daan din ang town hall meeting para maipahayag ng Filipino community ang kanilang mga saloobin patungkol sa kanilang mga kasalukuyang trabaho.