2 patay, 1 nawawala sa Cavite dahil sa bagyong Kristine

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 patay, 1 nawawala sa Cavite dahil sa bagyong Kristine

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Dalawa ang patay habang may isa pang nawawala sa Cavite kung saan maraming bayan at lungsod ang lubog pa rin sa baha. Mula sa Kawit, Cavite, nagpa-Patrol, Michael Delizo. TV Patrol, Biyernes, 25 Oktubre 2024.

ADVERTISEMENT

P21-M halaga ng butane canister nasabat sa warehouse sa Bulacan

Darylle Sarmiento,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA — Nadiskubre ang mahigit 400,000 butane canister na nakasilid sa mahigit apat na libong sako, na nagkakahalaga ng mahigit P21 million sa isang warehouse sa Sta. Maria, Bulacan.

Sa bisa ng search warrant na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) ng Malolos, Bulacan, sinalakay ng Philippine National Police - Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Regional Field Unit 3, kasama ang Regional Special Operations Group at Sta. Maria Police, ang warehouse sa Barangay Pulong Buhangin alas tres ng hapon, July 14, dahil sa umano’y iligal na pag-iimbak ng mga butane canister.

“We conducted our series of surveillance and validation doon sa area na we positively identified 'yung presence nung mga butane canisters in the possession nung ating respondent,” ani Lt. Mark Louie Tamayo, Assistant Chief ng CIDG RFU 3 Investigation Section.

Nag-ugat ang raid matapos dumulog sa CIDG ang abogado ng complainant kaugnay ng umano'y pag-ho-hoard ng warehouse sa mga butane canister na nagmula pa sa Cebu at Mindanao.

ADVERTISEMENT

Paliwanag ng legal counsel ng complainant, milyon-milyon ang nawala sa kanilang kita dahil nawawala ang kanilang butane canisters sa ilang dealer at distributor sa area ng Visayas at Mindanao.

“So, what happened actually during our inventory inisa-isa namin lahat ng mga dealers and distributors namin konti nalang yung mga stocks,” sabi ni Atty. Vincent Roel Tabuñag, legal counsel ng complainant. 

Ayon pa kay Tabuñag, umiikot lang dapat sa merkado ang kanilang produkto dahil refillable ang mga butane canister.

“It is supposed to circulate as I said, majority of our operations are in Visayas and Mindanao. So, 'di ba pag bibili ka ng canisters nag ci-circulate lang 'yan sa market because once you purchase a LPG canister you have to surrender empty cylinders,” ani Tabuñag.

Ito rin ang kadalasang ginagamit ng mga restaurants, street vendors, at sa mga kabahayan bilang alternatibo at mas murang bersyon ng LPG tank sa Visayas at Mindanao.

ADVERTISEMENT

Pag-aari umano ng isang dating kongresista ang nasabing warehouse na ka-kumpetensya ng complainant sa industriya.

Sa ngayon, pansamantalang itatago sa safe storage facility ng CIDG ang mga nakumpiskang butane canister.

“Dadalhin ito sa isang private storage facility, manned by security guards on a 24/7 basis and equipped with CCTV cameras,” sabi ni Tamayo.  

Nahaharap sa patong-patong na reklamo ang limang sangkot na indibidwal dahil sa paglabag sa Republic Act No. 623 na inamyendahan ng RA 5700, o hoarding and possession of butane canisters protected by law, trademark infringement at unfair competition.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.