Bayan sa Isabela, pilit umaahon sa baha
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bayan sa Isabela, pilit umaahon sa baha
Jonathan Cellona,
ABS-CBN News
Published Oct 25, 2024 04:48 PM PHT

Ilang bayan sa Isabela na lubog pa rin sa baha ang pilit na bumabangon mula sa sakuna na dulot ni severe tropical storm (STS) Kristine.

Bagama't hindi pa humuhupa ng lubos ang tubig baha, sinimulan na ng mga taga Barangay Sta. Barbara sa Ilagan, Isabela ang paglilinis at pagkukumpuni sa mga nasira nilang bahay.

Sa ilalim ng mga putik rin nila nakukuha ang iba't ibang gamit sa bahay at damit na kanila munang nililinis gamit ang tubig sa baha.

Mabilis ang pagragasa ng bagyo sa bayan na nagsimula bago pa man mag-landfall ito sa Divilacan, Isabela noong Huwebes ng madaling araw.

Mahigit 3.3 milyong tao ang naapektuhan sa ragasa ni STS Kristine sa buong bansa habang ilang libo pa rin ang hindi pa makapanumbalik ng buhay sanhi ng pananatili ng baha o mga pinsala dulot ng pagguho ng lupa.

Inaasahang bahagyang hihina ang pag-ulan ngayong Biyernes habang patuloy na sa paglabas ng Philippine Area of Responsibility si Kristine.

Inaantabayanan naman ang magiging epekto ng isa pang tropical depression kay Kristine at kung magdadala pa ito ng mas maraming ulan sa bansa.