Mga bahay sa Pandan, Catanduanes, pinadapa ng Bagyong Pepito
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga bahay sa Pandan, Catanduanes, pinadapa ng Bagyong Pepito
Bayan Mo,
Ipatrol Mo,
Dabet Panelo
Published Nov 20, 2024 01:36 PM PHT

Mga bahay sa Pandan, Catanduanes, pinadapa ng Bagyong Pepito. Larawan mula kay Bayan Patroller Louise Tioxon

MAYNILA — Isang 19-anyos na campus photojournalist mula Catanduanes State University ang nagbahagi ng mga larawan ng mga nasirang bahay sa Baragay Libod, Pandan, Catanduanes matapos silang hagupitin ng Bagyong Pepito noong Nobyembre 16 ng gabi hanggang madaling-araw.

Kuwento ni Bayan Patroller Louise Tioxon, matapos humupa ang bagyo kinabukasan, Nobyembre 17, ay nag-ikot na siya sa kanilang komunidad para idokumento ang pinsala ng Bagyong Pepito.

Sa kanyang ibinahaging mga larawan, makikita ang ilang kapitbahay na naghahanap ng mga gamit sa mga nasirang bahay na maaari pang isalba.

Nagpapasalamat si Tioxon na kaunti lang ang sira ng kanilang bahay pero ang marami silang kapitbahay na nawalan ng matitirhan dahil sa bagyo.

"'Yung mga damaged po na house, nakikitira po muna sa mga kamag-anak na ayos ung bahay, kanina po nag-ikot ako and halos ung pic po na i-send ko sa inyu ganun pa ren po ang situation nila, hindi den po nila alam kung saan sila magsisimula," sabi niya.

Ayon sa Bayan Patroller, responsibilidad niya bilang campus journalist na ipaalam sa publiko ang sitwasyon sa kanilang komunidad para mapadalhan ng tulong.

Wala pang suplay ng kuryente sa lugar at wala pa ring internet connection mula sa telecom providers bukod sa Starlink, dagdag ni Tioxon.