Napabayaang ilog sa Pangasinan, nilinis at ginawang pasyalan ng mga kabataan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Napabayaang ilog sa Pangasinan, nilinis at ginawang pasyalan ng mga kabataan

Bayan Mo,
Ipatrol Mo,
Mae Janica Palkit
Published May 14, 2024 05:34 PM PHT

Isang grupo ng mga kabataan sa Asingan, Pangasinan ang nagbalik ng dating linis at ganda ng ilog na napabayaan ilog na naging basurahan ng mga residente.

Ayon kay Bayan Patroller Jovito Caniedo, ang tawag sa grupo nila na naglinis ng ilog ay Barangay Baro Ecosystem Warriors o Baro Eco-Warriors na binubuo ng mga estudyante, construction workers at maging mga tambay sa kanilang lugar.

Tinawag naman nilang Camp Kawayan ang pasyalan na nahahati sa dalawang Tribu, ang Tribu Bayog kung saan makikita ang ilog at Tribu Cacaoyan kung saan may mga puno ng kawayan. Lahat din ng mga kagamitan sa pasyalan ay DIY tulad ng mga signages, lamesa, upuan, chandelier at mga kubo.

Kwento ni Caniedo, nagsimula ang proseso ng paglilinis nila noong Pebrero 2024, at patuloy pa rin ito hanggang sa mawala lahat ng basura sa paligid ng ilog.

Dagdag niya, naging madamo ang paligid ng ilog at puno ng putik ang ilalim nito, na nagdudulot ng masamang amoy. Sa kabila ng hirap nitong linisin, nagpursige ang grupo na pagandahin ang buong 300 metro na sukat ng lugar.

Tuwing umaga ay nagwawalis aniya sila sa paligid ng ilog at nililinis din nila ang ilalim ng ilog para mailabas ang namuong lupa.

Pahayag ng kanilang Punong Barangay na si Christian Benedict Robeniol, sa kabila ng kanilang mga programa sa paglilinis ng water systems ay hindi pa rin nila mapanatili ang kalinisan ng ilog dahil hindi nila mapigilan ang mga tao na magtapon ng basura sa ilog.

Kaya nang kausapin sila ng grupo ni Caniedo upang linisin at gawing pasyalan ang ilog ay pumayag ang pamunuan ng barangay at nagpasalamat sa pagkakaroon ng katuwang sa pagpapanatili ng kalinisan ng nasabing ilog.

Nasa proseso na rin aniya ang pag-aayos ng kanilang partnership sa pagitan ng grupo nila patroller at ng kanilang lokal na pamunuan.

Ang Camp Kawayan ay bukas na sa publiko at mayroong environmental fee na P15 kada tao.