Highway sa Pangasinan, papabasbasan dahil sa dami ng aksidente | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Highway sa Pangasinan, papabasbasan dahil sa dami ng aksidente

ABS-CBN News,
Terry Aquino
Published May 23, 2024 07:37 PM PHT

Mabilis, walang pakundangan, naghahabulang mga motorista sa apat na road lanes ang malimit na eksena sa national highway sa Barangay Bued, Calasiao, Pangasinan.

Hindi ito bago sa mga tagarito, kaya naman malimit rin ang aksidente sa daang ito.

Sa buwan pa lamang ng Mayo, umaabot na umano sa 10 banggaan ang naitatala ng barangay, kadalasan mga truck at mga motorsiklo.

Ikinaalarma na ito ng mga barangay official kaya nama, nakikipag-ugnayan na sila sa lokal na pamahalaan ng Calasiao para planuhin ang posibleng mga hakbang na gagawin.

Kasalukuyan na rin umano silang nagpapagawa ng mga road safety signage na ididikit sa mga accident-prone area, pero pansamantala lamang ito habang nakikipag-ugnayan ang LGU Calasiao sa 2nd Engineering District para sa proseso ng paglalagay ng mga road safety signage.

Dahil nasa Department of Public Works and Highways ang management ng national highway, may tamang proseso rin ang paglalagay ng mga signage.

Nakahanda na rin silang makipag-ugnayan sa simbahan upang mabasbasan ang kalsada sa lalong madaling panahon, bagama’t kung tatanungin si Barangay Bued Chairman Allan Roy Macanlalay, nakasalalay din aniya ang responsibilidad sa mga motorista na bumabaybay sa National Highway.

Ang kalsadang ito kasi ang daan ng lahat ng motorista at mga biyahero papuntang Dagupan City at Western Pangasinan.