Bagsik ng bagyong Carina, ramdam sa Batanes
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bagsik ng bagyong Carina, ramdam sa Batanes
Harris Julio,
ABS-CBN News
Published Jul 24, 2024 03:07 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Binayo ng malakas na hangin at ulan ang bayan ng Basco sa Batanes bandang alas-6 ng umaga.

Sa video na kuha ni Bayan Patroller Ricthie Rivera, makikita ang malalaking alon na humambalos sa Basco Port bandang alas-7:30 ng umaga.

Bandang tanghali ay humina na ang pag-ulan pero ramdam pa rin ang pagbayo ng hangin.

“Humina na po ulan, hangin na lang po at malalakas na alon po sa dagat,” sabi ni Rivera.
“Humina na po ulan, hangin na lang po at malalakas na alon po sa dagat,” sabi ni Rivera.
ADVERTISEMENT
Sa bayan ng Ivana, malalakas din ang hampas ng malalaking alon sa Radiwan Port.

Ganito rin ang lagay ng dagat sa bayan ng Uyugan.

Samantala, nakunan din ni Rivera ang pagkukumahog ng ilang mangingisda na isalba ang isang bangka sa Basco, Batanes pasado alas-7 kaninang umaga, Miyerkoles.

Naiwan umano ang bangka sa ilalim ng Basco Port.

“Kapag hindi kasi signal 3 ang bagyo, sa ilalim ng port itinatago ‘yung mga ibang bangka na pangisda,” sabi ni Rivera.

Hindi naman inasahan ang mabilis na paglaki ng mga alon kaya hindi agad naitaas ng may-ari ang bangka.

Gamit ang lubid na may kawit, sinubukan ng may-ari katuwang ang ilang mangingisda na isalba ang bangka.

Pero hindi ito nakuha at tuluyang tinangay ng malaking alon.

Nagawa naman maisalba ang iba pang bangka.

TAHIMIK SA SABTANG
Sa bayan ng Sabtang, makulimlim ang kalangitan na may pagbugso-bugsong hangin sabi ng residenteng si Vince Gabilo.
Sa bayan ng Sabtang, makulimlim ang kalangitan na may pagbugso-bugsong hangin sabi ng residenteng si Vince Gabilo.
ADVERTISEMENT
Mas banayad naman ang alon doon dahil nasa Silangang bahagi ang kanilang bayan na natatakpan ng mga bundok at mas malayo sa bagyo.