Lalaki timbog sa 'sextortion' sa Cebu | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki timbog sa 'sextortion' sa Cebu
MAYNILA -- Arestado ang isang lalaki sa entrapment operation ng mga tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Group sa San Nicolas Cebu City dahil sa sumbong ng dating kasintahan.

Tinakot at ipinakalat umano ng suspek sa kanilang mga kakilala ang kanilang mga pribadong video at larawan.

"Nakilala nya itong suspek sa isang bar, sa kalaunan nagkaroon sila ng relasyon and na-notice ng victim na napapadalas na yung paghingi ng pera ng suspek sa kanya kaya na-decide ito na makipaghiwalay na. Nung time na makipag-break up na sya dito na nagsimula na itong mga pangba-blackmail at pagbabanta niya na ikakalat yung mga videos nung sila pa na mayroong sexual activities nila online, mga intimates moments nila, at mga nude photos and videos na rin ng victim," paliwanag ni PNP ACG spokesperson PLT. Wallen Mae Arancillo.

Nahaharap ang suspek sa patong-patong na reklamo kabilang na ang paglabag sa anti-photo and video voyeurism act of 2009 na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act.

Sa pinakahuling datos ng PNP ACG , bumaba ng mahigit 36 porsyento ang naitalang kaso ng cybercrime cases sa bansa mula Enero hanggang Hunyo kumpara noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.

Nakapagtala ang pulisya ng 8,177 complaints sa loob ng anim na buwan na mas mababa sa naitalang 12,808 na reklamo noong 2023 sa kaparehong panahon.

Pero sa kabila ng pagbaba ng ilang mga cybercrime, patuloy na tumataas ang bilang ng mga naitalang kaso na lumabag sa Republic Act 9995 o ang anti-photo and video voyeurism act of 2009 o ang pagpapakalat ng mga pribadong larawan at video na walang pahintulot.

Mula Enero hanggang Hunyo, tumaas ang bilang ng mga naitalang kaso na lumabag sa Republic Act 9995 o ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 o ang pagpapakalat ng mga pribadong larawan at video na walang pahintulot.

Pumalo sa 198 ang natalang kaso sa nasabing panahon, mas mataas kumpara sa naitala noong nakaraang taon na 181 cases.

"Ang nakikita natin dito yung too much exposure ng mga netizens especially sa mga minors, kadalasan ang attention nila hindi na pagsosocialize sa face-to-face or paglabas ng bahay o sa mga kaibigan nila sa ngayon ang nakikita natin doon sa na sa social media ang attention nila," sabi ni Arancillo.

“Kung maaari huwag tayo kumuha ng mga video o nude photos natin na para maiwasan na maipakalat ito o mabiktima ng sextortion," dagdag ni Arancillo

Paalala ng PNP ACG sa publiko na maaaring mag-report at tumawag sa kanilang mga hotline number o di kaya naman ay makipag-ugnayan sa kanilang mga social media account.