Sunog sumiklab sa NGCP substation sa Bataan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sumiklab sa NGCP substation sa Bataan

Sunog sumiklab sa NGCP substation sa Bataan

Nicole Agcaoili,

ABS-CBN News

Clipboard

Sumiklab ang sunog sa Hermosa substation ng National Grid Corporation (NGCP) sa Bataan nitong Sabado ng hapon.

Kinumpirma ng Bureau of Fire Protection-Hermosa Bataan ang naganap na sunog. 

Ayon sa inilabas na statement ng NGCP, 4:40 ng hapon nang magsimula ang sunog. 

Base sa inisyal na report, nagmula umano ang sunog nang natamaan ang isang 69 kilovolt na linya ng kuryenteng pagmamay-ari at pinaaandar ng PENELCO.

ADVERTISEMENT

"The cut power line, located outside the NGCP facility, landed on a non-technical structure within the substation, causing the fire," sabi ng NGCP.

"The fire affected NGCP's Hermosa-Calaguiman 69kV line, servicing 3 generation plants in Bataan," dagdag nito.

 Sinabi ng NGCP na nairestore na nila ang operasyon ng naturang substation.  

"(The) Hermosa-Calaguiman 69kV line, which was affected by the fire, was restored at 6:52PM today, 03 August 2024.... All affected customers (3 generation plants) are now restored."

Wala pa umanong naiuuulat na nawalan ng kuryente. Patuloy na iniimbestigahan ang insidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.