Andrea, Kyle, Juan Karlos, Elijah, Zaijian at Xyriel, may dalang aral sa “Senior High” | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Andrea, Kyle, Juan Karlos, Elijah, Zaijian at Xyriel, may dalang aral sa “Senior High”

Andrea, Kyle, Juan Karlos, Elijah, Zaijian at Xyriel, may dalang aral sa “Senior High”

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Aug 29, 2023 08:45 AM PHT

Clipboard

Mahahalagang aral tungkol sa mental health ang hatid na mensahe nina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Juan Karlos, Elijah Canlas, Zaijian Jaranilla, at Xyriel Manabat, sa bagong Kapamilya teleseryeng “Senior High.”

Isa itong mystery-thriller series kung saan bibigyang diin ang ilang mga pagsubok na pinagdadaanan ng mga kabataan ngayon tulad ng suicide, mental health, bullying, at peer pressure lalong-lalo na sa eskwelahan.

Magsisimula ang kwento ng “Senior High” sa kambal na sina Luna at Sky (Andrea). Ibang-iba ang kanilang personalidad dahil si Luna ay matalino at pabibo, habang si Sky naman ay may hinanakit sa kanilang nanay na si Tanya (Angel Aquino) dahil ang lola niya ang nagpalaki sa kanya ng mag-isa.

Mag-iiba ang buhay ni Sky nang mag-enroll din siya sa eskwelahan nina Luna, ang prestihiyosong Northford High. Dito niya makikilala ang iba’t ibang grupo ng mga estudyante at isa na rito ang grupo ng mga mayamang bully na magkapatid na sina Archie (Elijah) at Z (Daniela Stranner), ang boyfriend ni Z na si Gino (Juan Karlos), at isa pa nilang kaibigang si Poch (Miggy Jimenez).

ADVERTISEMENT

Sa kabilang banda naman ay ang tila mababait na mga estudyante pero may kanya-kanyang lihim din pala na itinatago. Nariyan ang misteryosong si Obet (Kyle) at ang mag-jowang sina Tim (Zaijian) at Roxy (Xyriel).

Mayayanig ang kanilang mundo nang ma-dead on the spot si Luna matapos mahulog sa isang balcony. Ipapalabas nilang suicide ang nangyari, pero malakas ang kutob ni Sky na may tumulak sa kanyang kapatid kaya gagawin niya ang lahat para lumabas ang katotohanan.

Suicide ba talaga ang nangyari kay Luna? Ano-ano ang mga kababalaghan at sikreto ng mga estudyante?

Ang “Senior High ay mula sa direksyon nina Onat Diaz at Andoy Ranay, ang mga direktor ng patok na revenge series na Dirty Linen.” Handog ng ABS-CBN Entertainment at iWantTFC ang isang Dreamscape Entertainment production, tampok din sina Tommy Alejandrino, Gela Atayde, Baron Geisler, Mon Confiado, Sylvia Sanchez, Desiree Del Valle, Kean Cipriano, Ana Abad Santos, Gerald Madrid, Inka Magnaye, Angeli Bayani, Ryan Eigenmann, Rans Rifol, Rap Robes, Kakki Teodoro, at Floyd Tena.

Mapapanood na ang “Senior High,” Lunes hanggang Biyernes, ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.