Patrol ng Pilipino: Mga estudyanteng Pinoy, hirap nga ba sa math? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Patrol ng Pilipino: Mga estudyanteng Pinoy, hirap nga ba sa math?

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA — Marunong sa basic math operations gaya ng pag-add, subtract, multiply, at divide — pero hirap naman sa paggamit ng fractions at pag-unawa sa data at mga graph.

Isa ito sa mga nalaman tungkol sa mga estudyanteng Pinoy sa isang pag-aaral noong 2019.

Dahilan umano ito ng mababang ranggo sa reading at math comprehension ng Pilipinas kumpara sa mga kapitbahay nito sa Southeast Asia.

Ayon sa Southeast Asia Primary Learning Metrics, wala pang 1 sa bawat 5 primary students sa bansa ang umabot sa minimum mathematical standards.

ADVERTISEMENT

Kaya pambihira ang iland kabataan na patuloy na nagwawagi sa mga patimpalak sa ibang bansa, gaya ni Princess Aquino na nanalo ng ginto sa Hong Kong International Math Olympiad ngayong taon.

Naniniwala naman ang grupo ng mga nagtuturo ng matematika sa public schools na unti-unti na ring gumagaling ang mga mag-aaral sa math comprehension.

Kailangan lang ng patuloy na pag-alalay sa mga estudyante na nauna nang nakaunawa sa aralin, sabi ni Efren Parayan Jr., ang dating pangulo ng Manila Public Schools Secondary Mathematics Teachers' Association.

– Ulat ni Lyza Aquino, Patrol ng Pilipino

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.