2 estudyanteng tumulong sa isang lolo, hinangaan ng netizens
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 estudyanteng tumulong sa isang lolo, hinangaan ng netizens
Karren Canon,
ABS-CBN News
Published Sep 26, 2018 08:45 PM PHT

GUINOBATAN, Albay - Hinangaan ng netizens ang kabaitang ipinakita ng dalawang mag-aaral na tumulong sa isang lolo para makatawid sa kahabaan ng Maharlika Highway sa bayang ito.

Nitong Lunes, nakuhanan sa dashboard camera at in-upload sa Facebook ang pagtulong ng mga mag-aaral na sina Matthew Oro at Marc Arthur Nocomora, kapwa mag-aaral ng Bicol University College of Agriculture and Forestry (BUCAF).

Ayon sa nag-upload ng bidyo na si Ralph Odiaman, masaya siya sa napanood niya kaya siya nagdesisyon na ibahagi ito sa iba.

"Sobrang ganda lang kasi sa feeling na makakita ng ganun na pangyayari. I think it's worth sharing sa lahat na meron pa palang ganun na mga tao na handang tumulong sa iba," aniya.

Si Domingo Villacampa, isang 64-anyos na matandang namumuhay mag-isa, ang tinulungan nina Oro at Nocomora.

Taong 2013 nang ma-stroke si Villacampa. Hirap siyang maglakad, lalo na kung tumatawid sa kalsada.

Labis ang kaniyang pasasalamat sa kusang-loob na pagtulong sa kaniya ng dalawang estudyante.

"Parang nakakapagpataba ng puso kasi bibihira naman ngayon ang ganun eh not unless kung tawagin mo, pero 'yung magkusa, bibihira ako makaano ng ganyan," ani Villacampa.

Ayon naman kina Oro at Nocomora, tinulungan nila si Villacampa dahil natakot sila na maaksidente ito.
Ayon naman kina Oro at Nocomora, tinulungan nila si Villacampa dahil natakot sila na maaksidente ito.
ADVERTISEMENT
"Baka po masagasaan, mahagip ng mga dumadaan na sasakyan," ani Nocomora.

Ikinatuwa rin ng associate dean ng paaralan ang ipinakitang malasakit ng dalawang estudyante kay Villacampa.

"Seldom na 'yung ganyan sa mga estudyante pero we are very proud and happy that our students still have those good values," ani Loudita Llanto, associate dean at planning officer ng BUCAF.

Sa ngayon, mahigit 600 na ang "likes" at nasa mahigit 11,000 na ang nakapanood sa bidyo.