KBYN: Biktima ng paglubog ng Mercraft 2 at ng bagyong Odette sa Southern Leyte kumusta na?
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Biktima ng paglubog ng Mercraft 2 at ng bagyong Odette sa Southern Leyte kumusta na?
ABS-CBN News
Published Jan 01, 2023 10:58 PM PHT

Bumuhos ang tulong sa ilan sa mga kababayan nating naging biktima ng paglubog ng MV Mercraft 2 sa Quezon noong Mayo 2022 at ng bagyong Odette sa Southern Leyte noong 2021.

Nang mapanood sa "KBYN" ang kuwento ng cancer patient na si Jessa Malate, isang cancer organization ang tumutulong sa kaniyang pagpapagamot sa Philippine General Hospital o PGH.

"Marami din pong nakapanood na nag-reach out po sa akin at nag-sponsor kaya po ito po ako ngayon, nandito ako sa cancer foundation at sila po ang gumagastos ng mga gastusin ko dito," pagbabahagi ni Malate sa KBYN.

Nauna nang mag-abot ng cash assistance ang programa sa kaniya nang maitampok ang kaniyang pinagdaanan noong Hunyo.
Nauna nang mag-abot ng cash assistance ang programa sa kaniya nang maitampok ang kaniyang pinagdaanan noong Hunyo.
ADVERTISEMENT
Naipagpapatuloy na rin ng mga kababayan natin sa Southern Leyte ang kabuhayan nila sa pangingisda nang mapagkalooban ng mga bangka ng "KBYN" at ng ABS-CBN Foundation.

"Nakakaraos po kahit papaano kasi kapag nagpalaot po ang asawa ko nakahuli din minsan, minsan nakaulam kami, paminsan po naibebenta rin po kapag marami rami po 'yung huli. Nagtitinda din po ako ng ulam, ino-online ko po," kuwento ni Lourdes Navarro, asawa ng isang mangingisda.

Masaya ring ibinalita ng pamilya Navarro na nakapagpatayo na ulit sila ng bago nilang matitirhan na winasak ng bagyong Odette.

Panoorin ang kabuuan ng kanilang kuwento sa New Year Special ng KBYN: Kaagapay ng Bayan kasama si Kabayan Noli de Castro.

Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
New Year
Bagong Taon
2023
Quezon
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT