Virtual salu-salo sa Pasko, mungkahi ng health expert sa gitna ng pandemya
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Virtual salu-salo sa Pasko, mungkahi ng health expert sa gitna ng pandemya
ABS-CBN News
Published Sep 16, 2020 12:40 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Ang pagpasok ng “Ber” months ay hudyat ng nalalapit na pagdiriwang ng Kapaskuhan. Pero dahil sa pandemyang dulot ng coronavirus disease 2019, maraming tradisyon kung saan nagsasama-sama ang mga pamilya ang mababago.

“It think there are many ways we can get together. Itong ginagawa natin ngayon, hindi natin naisip na mangyayari ito dati so wala tayong ganitong virtual radio interview, pero ngayon nangyayari,” pahayag ni Dr. Maricar Limpin, vice president ng Philippine College of Physicians.

Sa panayam sa TeleRadyo, Miyerkoles ng umaga, sinabi ni Limpin na sa ganitong paraan maaring magkasama pa rin ang mga magkakapamilya sa Pasko lalo pa’t hindi pa pinapayagan ng gobyerno ang mass gathering bilang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19.

“Ang iniisip ko, gagawa ako ng something like this para sa family namin para sa ganun magtipon-tipon pa rin kami although not physically, but at least nagkakakitaan kami and we can eat together virtually, pwede namang nating gawin 'yun,” sabi niya.

Nasa ilalim ng general community quarantine ang Metro Manila hanggang Setyembre 30 habang patuloy na nagpapatupad ng health protocols gaya ng pagsuot ng face mask at shield at physical distancing.

Sa tala ng Department of Health nitong Martes, pumalo na sa 269,407 ang kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa kabuuan, 57,392 ang active cases habang 207,352 ang gumaling at 4,663 naman ang bilang ng namatay.

“We can still be happy, celebrate Christmas even hindi natin ginagawa 'yung physical gathering. Importante lang po na siguraduhin nating malusog tayo at marami pa hong pagkakataon na puwede tayong magsama-sama,” sabi niya.

-- TeleRadyo 16 Setyembre 2020
Read More:
COVID-19 Christmas
virtual Christmas gathering
COVID-19 Philippines update
TeleRadyo
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT